Simpleng pamumuhay nina Gary Estrada at ng kaniyang pamilya sa probinsiya hinangaan ng publiko!



Kapag sinabi nating artista o celebrity ang kaagad na pumapasok sa ating mga isipan ay ang pagkakaroon nila ng magagarang mga sasakyan, at malalaking mga mansyon, gayundin ang ilan nilang mga negosyo at tiyak na malaki na rin ang laman ng kanilang mga bangko. Ang ganitong mga kaisipan ay dahil na rin sa talaga namang malaki ang mga kinikita ng mga taong nasa industriya na ito.



Kung kaya naman marami pa rin hanggang sa ngayon ang nangangarap na makapasok sa mundo ng show business upang agad nilang matupad ang mga pangarap nila sa buhay. Marahil ay isa na sa mga ito ang hinahangaang aktor na si Gary Estrada.

Ang aktor na si Gary Estrada ay ikinasal sa isa ring aktres na si Bernadette Allyso noong Hunyo 16, 2001. Ang dalawa ay nagkakilala sa naging proyekto nila noong 1996 na mayroong pamagat na “Ikaw Naman Ang Iiyak”.



Sila ay biniyayaan ng tatlong mga anak na babae, sina Garielle, Gabby at Gianna. Ang Kapuso actor na si Kiko Estrada ay anak ni Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz.

Kamakailan lamang ay talagang bumilib ang maraming mga netizens dahil sa simpleng pamumuhay nila ng kaniyang pamilya sa probinsiya na malayong malayo sa kinang ng kanilang mga bituin bilang isang artista. Talaga namang umani ng maraming mga komento mula sa publiko ang simple nilang buhay sa 3.5 hektaryang farm ng aktor sa San Antonio, Quezon.


Ilan sa mga ginagawa ng pamilya ay ang paglilinis ng kanilang tahanan. Bukod pa rito ay naglalaba rin at nagpapaligo ng kanilang mga aso ang mga anak ng mag-asawa.



Tunay nga na sa kabila ng estado nila sa buhay ay sanay pa ring gumawa ng mga gawaing bahay ang mga anak ng celebrity couple. Isang pagpapatunay lamang na nagtagumpay sila sa maayos na pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.




error: Content is protected !!