Angeline Quinto, pinamangha ang mga netizens dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay sa probinsiya!



Si Angeline Quinto ay 30 taong gulang na aktres, at mang-aawit sa Pilipinas. Siya ang tinanghal na kampeon sa “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar” noong taong 2011.

Isa siya sa mga miyembro ng “Filipino girl group” na DIVAS kasama sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Kyla. Bukod sa pagiging isang mahusay na mang-aawit ay isa rin siyang vlogger. Talaga namang aliw na aliw ang maraming mga Pilipino sa mga nakakatuwang vlogs ng singer.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Angeline sa social media dahil sa pinatunayan niyang sa kabila ng kasikatan at tagumpay na kaniyang tinatamasa ay nananatili pa rin ang kaniyang mga paa sa lupa at talaga namang mapagpakumbaba pa rin siya hanggang sa ngayon. Isa sa mga ginawa niyang vlogs ay mayroong pamagat na “Overnight Kubo” challenge. Literal nga na nanirahan muna sa probinsiya ang sikat na singer.


Mapapanuod sa kaniyang viral video ang kaniyang simpleng pamumuhay at hindi mo aakalain na isa siyang sikat na artista. Namalengke din siya at nagluto sa pamamagitan ng mga kahoy at lutuan na kawa.
Siya pa nga mismo ang pumili at kumilatis ng karne na kaniyang lulutuin. Aakalain mo bang marunong din pala siyang magmaneho ng motorsiklo?


Nagmaneho siya ng motorsiklo patungo sa palengke na kaniyang pagbibilhan ng kaniyang mga kailangan. Hindi rin pinalampas ni Angeline ang pagligo sa poso at ang pagkain kasama ang mga taga-probinsiya sa inihanda niyang “boodle fight”.



Nang dumating ang gabi ay tanging kandila lamang ang nagsilbi nilang ilaw. Natulog siya kasama ang kaniyang kaibigan kahit pa maliit lamang ang espasyo ng kanilang higaan.

Talaga namang maraming mga netizens ang nagkomentong isa siya sa mga artistang walang arte sa katawan kahit pa nga nakamit na niya ang kasikatan at tagumpay na inaasam ng karamihan. Isa siyang napakagandang huwaran at inspirasyon sa kapwa niya mga artista at sa mga nangangarap na pasukin din ang industriya ng show business.




error: Content is protected !!