Lalaking may sakit sa pag-iisip, pagagawan ng bahay ni Raffy Tulfo!



Tayong mga Pilipino ay kilala hindi lamang sa pagiging magiliw natin sa ating mga bisita kung hindi dahil sa pagiging mapagmahal at malapit natin sa ating mga mahal sa buhay. Tunay nga na dumaan man tayo sa mahirap na pagsubok sa buhay ay mananatiling nakasuporta at nakagabay pa rin sa atin ang ating pamilya.



Tulad na lamang ng isang kapatid na ito na nakilala bilang si Amelia Bulawan. Mayroon siyang kapatid na mayroong sakit sa pag-iisip.

Nakatira ito sa maliit na bahay at talaga namang nakakaawa ang kalagayan nito. Kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Amelia na lumapit at humingi ng tulong sa sikat na programa ni Raffy Tulfo na kilalang tumutulong sa mga taong nangangailangan.


Kahit anong pilit kasi nina Amelia na sa kanila na lamang tumira ang kaniyang kuya upang maalagaan ito ng maayos ay mas pinipili pa rin nitong manirahan sa kaniyang maliit na tahanan na tila tirahan lamang ng aso. Ayon sa ilang mga ulat ay yero lamang ang hinihinging tulong ni Amelia para sa munting tirahan ng kaniyang kuya.



Ngunit nang makita ni Raffy ang mahirap na kalagayan ng kuya ni Amelia ay nangako itong magpapagawa ito ng maayos na tirahan para sa kaniyang kuya. Dahil sa pandemyang dumating sa ating bansa ay hindi na naipatingin sa doktor ang kaniyang kapatid dahil wala rin silang trabaho ng kaniyang mister, hindi na rin ito nakakainom ng kaniyang gamot kung kaya napapadalas na rin ang mga sumpong nito.



Dahil sa mahirap nilang kalagayan ay tutulungan na rin ni Raffy ang pamilya ni Amelia at padadalhan ng mga pangunahing pangangailangan ng mga ito. Ipatitingin din ng sikat na host sa isang doktor ang kaniyang kuya upang mabigyan ito ng nararapat na medikasyon.

Talaga namang labis na nagalak at hindi na napigilan pang maging emosyonal ni Amelia dahil sa mga biyayang kanilang natanggap.




error: Content is protected !!