Viral video ng isang OFW sa Riyadh bago ito pumanaw dahil sa COVID-19, umantig sa puso ng publiko!



Hindi madali maging isang Overseas Filipino Worker o OFW. Napakahirap malayo sa iyong pamilya lalo na kung maninirahan ka ng matagal sa isang dayuhang bansa.

Ngunit lahat ng hirap at pagsasakripisyo ay hindi alintana ng ating mga kababayang OFW, masuportahan lamang ang kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas. Dahil sa pandemyang kinahaharap ngayon ng maraming mga bansa sa buong mundo ay mas naging mahirap ang kalagayan ng ilang mga OFW sa ibang bansa.



Tulad na lamang ng naging karanasan ni “Manong Fred” sa Riyadh na tinamaan ng COVID-19. Sa viral video na kumakalat ngayon sa social media na ibinahagi ng “The Viral King” ay makikitang halos hindi na maiayos ng matanda ang kaniyang damit dahil sa hinang-hina na ito.


Sa kabila nito ay mayroon pa ring ibang OFW doon na tumutulong at gumagabay sa kaniya. Ibinahagi din ng uploader ng naturang video na ang mga Pilipinong nagpositibo sa nakakahawang sakit ay inilalagak na lamang sa isang gusali.


Talaga namang umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naturang video. Nakakalungkot lang din isipin na marami sa kanila ang binabawian na lamang ng buhay sa mahirap na sitwasyong ito tulad na lamang ni Manong Fred.



Humihingi ng tulong ang mga kababayan nating OFW sa kinauukulan dahil sa ngayon ay marami sa kanila ang wala nang trabaho at wala na ring natatanggap na tulong mula sa kanilang mga pinagtatrabuhan. Nais na sana nilang makauwi ng bansa at kahit papaano ay makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Talaga namang napakahirap at nakakalungkot ng pangyayari na ito ngunit marami pa rin sa atin ang nananalangin na sana ay matapos na ang lahat ng paghihirap nila sa dayuhang bansa. Gayundin naman ang patuloy na pag-asa sa puso nating lahat na sa a ay matapos na ang mahirap na sitwasyon natin sa ngayon.




error: Content is protected !!