Buhay ngayon ni Monina Bagatsing matapos iwanan ang showbiz, alamin!



Si Monina Bagatsing ay ang nakababatang kapatid ng sikat na aktor na si Raymond Bagatsing at RK Bagatsing. Si Monina ay isang sikat na aktres noong ‘90s at talaga namang hinangaan siya ng maramo dahil sa angking kagandahan at husay nito sa pag-arte.


Nang kalagitnaan ng taong 2000 ay bigla na lamang niyang nilisan ang industriya ng show business. Sa ngayon ay naninirahan na siya sa Estados Unidos kasama ang kaniyang mister. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung bakit nga ba iniwanan ni Monina ang industriyang minahal niya noon?




Ayon sa naging panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa ngayon ay masaya na siyang naninirahan sa ibang bansa, mayroong regular na trabaho at higit sa lahat ay nagagawa pa rin niya ang kaniyang mga hilig at interes. Ilan sa mga nagawa niyang proyekto noon ay “Esperanza” noong 1997, “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako” taong 1998, at “Pangako Sa’Yo” taong 2000.


Taong 2002 naman nang nagkaroon din siya ng maikling pagganap sa teleserye ng GMA na “Sana Ay Ikaw Na Nga”. Taong 2005 ay naging bahagi naman siya “Spirits” ng ABS-CBN. Masayang masaya ang dating aktres na balikan ang kaniyang mga alaala noong isa pa siyang aktres dito sa Pilipinas.


Ayon sa kaniya ay hindi niya makakalimutan ang mga pag-asikaso at pagiging mabait ng kaniyang mga katrabaho. Nalungkot din siya nang maitanong ang tungkol sa naging komunikasyon niya sa kaniyang mga kaibigan sa industriya dahil sa wala siyang social media account ay nawalan na rin siya ng pagkakataong makipag-ugnayan sa kanila. Ngunit sa tuwing bibisita naman siya sa bansa ay sinisigurado niyang magkita-kita ulit sila kahit papaano.



Ibinahagi din niyang dumating siya sa punto ng kaniyang buhay na nais niya namang sumubok ng iba pang mga bagay. Nagtungo siya sa Estados Unidos at sampung taong nanirahan sa San Francisco. 2015 siya lumipat sa New York at ng mga panahong iyon ay handa na naman siya para sa bagong pakikipagsapalaran.



Sa ngayon ay labis siyang nagpapasalamat dahil sa bukod sa kaniyang regular na trabaho bilang isang “Global Regulatory Affairs Strategist (Neuroscience) sa isang Japanese pharmaceutical company ay mayroon pa siyang ilang mga pinagkakaabalahan tulad na lamang ng pagiging isanf Ayurvedic Health Counselor, Chef, at Reiki Healer. Hilig din nilang mag-asawa ang pamamasyal at pagbiyahe sa mga magagandang destinasyon.




error: Content is protected !!