Buhay ni Nancy McDonie ng Momoland bago pa man siya makilala at sumikat, alamin!



Si Nancy Jewel McDonie o mas nakilala ng publiko bilang si Nancy ay isang 20 taong gulang na American-South Korean singer, actress at host. Isa siya sa mga miyembro ng girl group na “Momoland”.

Ang grupo na ito ay nabuo noong Nobyembre 10, 2016 mula sa reality survival show na pinamagatang “Finding Momoland”. Taong 2017 ay mas lalo pang naging pamoso ang kanilang grupo dahil sa naging usap-usapan sila sa social media.



Nang sumunod na taon naman ay umarangkada ang kanilang karera dahil sa kasikatan ng kanilang hit dance craze na “Boom Boom”. Isa siya sa pinakasikat na miyembro ng grupo hindi lamang dahil sa angkin nitong kagandahan ngunit dahil na rin sa kaniyang pambihirang talento.


Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Nancy pala ay katulad lang din lamang ng ibang mga sikat na personalidad na nagsimulaa sa pinakamababa at dumaan sa maraming mga pagsubok sa buhay. Ang ama niya ay isang Amerikano habang Koreana naman ang kaniyang ina.



Ika-13 araw ng Abril taong 2000 nang siya ay isilang ng kaniyang ina sa Amerika kung saan siya lumaki. Ngunit nang siya ay tumungtong na sa highschool ay nanirahan na sila sa South Korea.

Ang kaniyang nakatatandang kapatid ay nagngangalang Brenda Lee McDonie na katulad niya ay mayroon ding angking kagandahan. Si Brenda ay isang “cellist”.



Nasa 16 na taong gulang pa lamang siya ng sinubukan niyang lumahok sa “survival program” na “Finding Momoland”. Isa siya sa tinanghal na pitong mga “winning members” ng nasabing programa.

Maliban sa pagiging miyembro ng Momoland ay naging bahagi din siya ng Sunny Girls na isa ring K-Pop girl group. Isa rin si Nancy sa mga binansagang “social media sweetheart” ng maraming mga netizens.



Kamakailan lamang ay napabalita na rin ang pagsabak nito sa pag-arte kung saan makakatambal niya ang sikat na aktor sa Kapamilya network, si James Reid.




error: Content is protected !!