Mga dating boyfriend ni Marian Rivera bago pa man sila ikasal ni Dingdong Dantes, kilalanin!



Si Marian Rivera Gracia-Dantes o mas nakilala ng publiko bilang si Marian Rivera ay isang 35 taong gulang na Spanish-Filipino commercial model at isang mahusay na aktres. Ilan sa mga pinakasikat niyang proyekto ay ang “MariMar”, “Dyesebel”, “Amaya”, at “Temptation of Wife”.



Isa rin siyang recording artist na nakagawa na ng dalawang mga albums, ang “Marian Rivera Dance Hits” at “Retro Crazy”. Disyembre 30, 2014 nang ikasal siya sa kilalang host, aktor, at dancer na si Dingdong Dantes.

Nobyembre ng taong 2015 ay isinilang niya ang kanilang panganay na si Maria Letizia o Zia, habang Abril 2019 naman nang isilang niya si Jose Sixto Gonzalez o Ziggy. Tunay nga na isa si Marian sa pinakamatagumpay na aktres sa industriya ng show business.




Ngunit bago pa man sila magkakilala ni Dingdong ay mayroong ilang mga sikat na personalidad na na-link sa kaniya. Una na rito ang aktor na si James Blanco.


Ayon sa ilang mga ulat, nag-aaral pa lamang noon si Marian ay magkakilala na sila ni James. Mayroon pa ngang ilang sabi-sabi na ipinapagamit pa noon ng aktor ang kaniyang kotse sa aktres kapag pumapasok ito sa La Salle-Dasma Cavite.

Walang naging kumpirmasyon patungkol dito si Marian at James. Si Mark Herras ay isa rin sa mga lalaking na-link noon sa celebrity mom. Ayon sa ilang mga ulat ay nagsimulang makilala sa show business si Marian noon dahil sa pagkakalink nito kay Mark.

Tulad ng nauna ay wala ring anumang kumpirmasyon ukol dito. Ang isa sa diumano ay naging pinakamatagal na naging nobyo ni Marian ay si Ervic Vijandre na isang kilalang aktor at modelo.

Walong taon diumano ang inabot ng kanilang naging relasyon kung mayroon pang naging insidente kung saan nagloko si Ervic at nagkaroon pa ng ibang nobya habang magkarelasyon sila ni Marian. Ngunit sa kabila nito ay hindi iniwanan ni Marian si Ervic dahil sa labis nitong pagmamahal noon sa huli.




error: Content is protected !!