Napakaganda at napakaeleganteng tahanan ni Heart Evangelista sa Quezon City, silipin!



Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas nakilala ng publiko bilang si Heart Evangelista ay isang 35 taong gulang na aktres, TV host, visual media artist, philanthropist, socialite at nagsisilbi bilang “first lady” sa probinsiya ng Sorsogon. Taong 2015 nang ikasal siya sa kaniyang nobyong si Francis Joseph Guevarra Escudero na isang abogado at pulitiko.

Tunay nga na hindi lamang siya ubod ng ganda at bait dahil talaga namang nag-uumapaw rin ang kaniyang mga talento. Kamakailan lamang ay labis na kinagiliwan at hinangaan sa social media ang napakagandang bahay niya na matatagpuan sa Quezon City.



Ibinahagi din ng akatres na 29 na taong gulang pa lamang siya ay nanirahan na itong mag-isa at talaga namang marami siyang natutunang aral mula rito. Hindi ito maipagkakaila dahil talaga namang kitang-kita ito sa napakalinis at napakaaliwalas niyang tahanan.

LIVING AREA



Kapansin-pansin ang mga glass tops sa bahaging ito ng kaniyang tahanan na talaga namang nakapagbibigay ng eleganteng awra sa kabuuan ng kaniyang magarang tahanan. Karamihan din sa mga kagamitan niya rito ay nababalot ng mga “textured fabrics”.

KITCHEN



Napakaaliwalas at napakalinis ng kaniyang kusina na halos puti ang kulay na makikita. Talaga namang organinsadong-organisado din ang lahat ng kaniyang mga kagamitan dito.

BEDROOM




Ang silid ng aktres ay mayroong neutral colors bilang tema nito. Nakaka-relax din ang kulay asul na “sky and clouds pattern” sa bandang kisame ng kaniyang silid.

BATHROOM


Maging ang kaniyang banyo ay makakakitaan ng pagiging “classy” at elegante. Napakaaliwalas at napakalinis din nitong tingnan.

WALK-IN CLOSET




Pambabaeng-pambabae naman ang kaniyang walk-in closet na mayroong kulay “stripped pink and white color combination” na bagay na bagay talaga sa personalidad ng aktres.

STORAGE AREA


Maging ang kaniyang “storage area” ay napakaganda, at napaka-organisado din.

OUTDOOR NOOK


Ito ang paboritong bahagi ni Heart sa kaniyang tahanan dahil dito siya nagpipinta at lumilikha ng kaniyang mga “obra maestra”.




error: Content is protected !!