Angel Locsin, pinagtanggol ng mga netizens sa mga taong humuhusga sa kaniyang pangangatawan ngayon!



Ang aktres na si Angel Locsin ay isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na aktres sa industriya ng showbiz ngayon. Hindi lamang siya isang mahusay na aktres ngunit talaga namang hinahangaan din ang kaniyang mabuting kalooban at ang kaniyang pagnanais na makatulong sa mga taong nangangailangan.


Hindi na lihim pa sa maraming mga Pilipino ang kaniyang mga nagawang pagtulong at pagkakawang-gawa sa marami nating mga kababayan lalo noong mga panahong hindi natin inaasahang sunod sunod na mga kalamidad at krisis ang ating mararanasan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga larawan ng aktres kung saan makikitang siya ay nakasuot nang kulay berdeng damit at kulay itim na pantalon.




Mayroon din siyang dalang bag at nakasuot ng mask. Maliban sa mga ito ay hindi rin nakaligtas sa mapanghusgang mata ng publiko ang pangangatawan at ang timbang ngayon ng 35 taong gulang nang aktres.
Maraming mga netizens ang nabahala dahil sa kasalukuyang timbang ngayon ng aktres. Ngunit binigyang-linaw ng aktres na maaaring mas bumigat at tumaba siya sa ngayon ngunit malusog pa rin naman ang kaniyang pangangatawan.


Dagdag pa niya, mas mahalaga sa kaniya ngayon ang kaniyang kalusugan kaysa ang pagkakaroon ng balingkinitang pangangatawan. Sa katunayan ay marami ding mga taong balingkinitan nga ang pangangatawan ngunit mayroon namang iniindang sakit o karamdaman, o di kaya naman ay napapabayaan ang sarili dahil sa pagnanais na maging mapayat.



Sa kabila ng mga negatibong komento ng ilang mga tao tungkol kay Angel, mas marami pa ring naniniwala at sumusuporta sa kaniyang mga adhikain lalo na ang kaniyang pagtulong sa maraming mga taong lubos na nangangailangan. Higit sa lahat ay wala nang kailangan pang patunayan ang isang Angel Locsin sa publiko dahil sa noon pa man ay hindi na matatawaran ang kaniyang nakakabilib na talento, ang angkin niyang kagandahan, at ang busilak niyang puso.




error: Content is protected !!