Mayamang ama na nais turuan ng leksyon ang kaniyang anak, pinatira ito kasama ang isang mahirap na pamilya nang isang linggo!



Hindi lahat ng tao ay pinapalad na lumaki sa isang masaya at malaking pamilya. Marami sa atin ang lumaking mahirap habang ang iba naman ay isinilang sa isang mayamang pamilya.



Ang kwento ng isang mayamang ama na ito na ninais turuan ng leksyon ang kaniyang anak ay talaga namang nagbigay ng aral sa maraming mga indibidwal. Si Dante ay lumaki sa isang mariwasang uri ng pamumuhay mula nang siya ay isinilang habang ang kaniyang ama naman ay mula sa isang mahirap na pamilya.


Nakasanayan na ni Dante ang magkaroon ng magagarang mga sasakyan at ang maraming mga pagkain sa kanilang hapag-kainan. Si Dante ay pinadala ng kaniyang mayamang ama sa isang mahirap na pamilya kung saan siya ay nanirahan ng isang linggo.

Sa pamilyang iyon ay nanirahan ng normal at simple si Dante na kasama din nilang kumakain at nagtatrabaho. Isang linggo ang nagdaan at kinumusta siya ng kaniyang mayamang ama. Ayon kay Dante, marami siyang natutunan sa isang linggong naging pamamalagi niya kasama ang mahirap na pamilya.



Pagkukwento ni Dante, sila ay mayroong isang aso habang ang mahirap na pamilya naman ay mayroong apat na alagang aso. Walang pagmamay-aring hardin o swimming pool ang mahirap na pamilya ngunit mayroong ilog sa tabi ng kanilang maliit na tahanan na patuloy ang pag-agos ng tubig.

Wala ring ilaw ang pamilyang ito ngunit ang mga bituin sa kalangitan ang kanilang naging tanglaw. Hindi na bumibili ng pagkain ang mahirap na pamilya tulad ng mayamang pamilya ni Dante ngunit mayroon silang mga pananim na gulay, puno at halaman na sariwa nilang kinakain sa araw-araw.



Talaga namang nagulat ang ama sa mga salitang binitawan ni Dante nang sinabi nitong: ”Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”


Tunay nga na napakahalaga din talagang matutunan natin ang pagpapahalaga sa maraming mga bagay na tinatamasa natin sa buhay. Dahil maaaring para sa atin ay simpleng mga bagay lamang ito ngunit para sa ibang tao ay talagang namang isa na ito sa pinakamagandang bagay na naranasan nila sa kanilang buhay.




error: Content is protected !!