Angel Locsin, real-life Darna pa rin para sa maraming mga Pilipino sa kabila ng hubog ng kaniyang katawan!



Si Angel Locsin ay isa sa pinakakilalang aktres sa industriya ng show business sa Pilipinas. Tunay nga na napakarami na niyang nagawang proyekto kung saan niya naipakita ang kaniyang pambihirang husay sa larangan ng pag-arte.



Nitong mga nagdaang buwan ay maraming mga Pilipino ang talaga namang humanga kay Angel dahil sa kabutihang-loob nito sa mga taong nangangailangan. Maraming mga balita hindi lamang sa telebisyon kung hindi maging sa social media ang kumakalat patungkol sa ginagawang pagtulong ni Angel sa mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad o sakuna, at maging hanggang sa ngayon na nararanasan natin ang pandemyang COVID-19.


Ngunit nakakalungkot lamang na sa kabila ng kaniyang mga naitulong sa marami nating mga kababayan ay mayroon pa ring mga taong huhusga at babatikos sa kaniya. Kamakailan lamang ay umani ng maraming negatibong komento ang mga larawan ni Angel kung saan makikita ang hubog ng kaniyang katawan.





Hindi tulad dati na talaga namang napakapayat at napakabalingkinitan ng kaniyang katawan, halatang nadagdagan ng timbang ang aktres. Agad namang ipinagtanggol ng kaniyang mga tagasuporta si Angel dahil sa kabila ng kaniyang pangangatawan o timbang ngayon ay mas nangingibabaw pa rin ang kaniyang mabuting puso at ang kaniyang pagnanais na makatulong sa ibang tao.




Sa panahon natin ngayon na napakaraming mga tao ang hindi na nabibigyan pa ng halaga ang mga kabutihang nagagawa ng iba sa mga taong labis na nangangailangan, mas marapat sigurong siyasatin natin ang ating mga sarili, at isiping mabuti ang mga bagay na ating gagawin o sasabihan laban sa isang tao artista man ito o hindi. Dahil hindi rin naman natin alam ang kanilang mga pinagdaraanan kung kaya dapat ay mas maging maingat tayo, at kahit minsan ay isipin din naman natin ang magiging pakiramdam ng ibang tao.



Mas mabuti nang magkaroon ng pangangatawan na talagang ginusto natin kaysa sa magkaroon ng balingkinitang katawan na iyong ginawa para lamang sa ikasasaya ng ibang tao. Huwag sana nating kalimutan na hindi rin masamang ibahagi ang pagmamahal, pag-unawa, at pagsuporta sa ating kapwa sa halip na magbahagi o magdulot ng mga negatibong bagay sa iba.






error: Content is protected !!