BB Gandanghari kay Carmina Villaroel: “Kung ako magiging lalaki ulit… siya pa rin ang liligawan.”



Si Binibini Gandanghari o si BB Gandanghari na nakilala dati ng publiko bilang si Rustom Padilla ay isang 52 taong gulang na artista, modelo, entertainer, komedyante at direktor. Naging isa siya sa 14 na mga housemates ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition. Noong Marso 2, 2006 ay nagulat ang marami nang aminin niyang isa siyang “gay”.


Taong 2009 ay inamin niyang isa na siyang “Trans” at sumailalim na siya sa “Gender Confirmation Surgery”. Siya ay nakapagtapos ng B.A. in Economics sa St. Louis University, Baguio at nag-aral ng “filmmaking“ sa UCLA taong 2010.




Taong 2017 naman nang mapabalita ang pagkakaroon niya ng trabaho sa Estados Unidos bilang isang Uber driver. Sa ngayon ay mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel kung saan siya sinusubaybayan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni BB ang naging karanasan noon ni Rustom Padilla. Ayon sa kaniya, kung sakaling magiging lalaki siya ulit ay ang dating asawa pa rin niyang si Carmina Villaroel ang kaniyang liligawan.



Taong 1997 nang ikasal ang dalawa ngunit makalipas ang tatlong taon ay naghiwalay din sila. Ikuwento ni BB sa kaniyang vlog noong Hunyo 21, 2020 ang patungkol sa yugtong ito ng buhay ni Rustom. Ayon sa kaniya ay minamahal talaga ni Rustom ang dating asawa ngunit sadyang hindi lamang talaga naging tama ang pagkakataon ng kanilang pagmamahalan kung kaya naman nang magpaalam sa kaniya si Carmina ay hindi na ito nagdalawang-isip pang pakawalan ang kaniyang minamahal.

Dagdag pa niya ay itinuturing din ni Rustom na napakagandang biyaya ng aktres sa kaniya noon. Pangarap ni Rustom noon ang magkaroon ng isang masayang pamilya, maging isang mabuting asawa at ama sa kaniyang mga anak ngunit dumating din siya sa punto ng kaniyang buhay na pakiramdam niya ay tila mayroon pang kulang sa kaniyang buhay.




Tunay nga na maraming mga nanghihinayang dahil sa hindi nagkatuluyan ang dalawa ngunit sa ngayon ay pareho na silang masaya sa kanilang mga sariling buhay.



error: Content is protected !!