Flight attendant nagbebenta muna ng “fishball” habang wala pang trabaho dahil sa COVID-19!



Sadyang naging napakalawak ng naging epekto ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa marami pang mga bansa sa buong mundo. Nakakalungkot malaman na maraming mga pamilya ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay dahil sa nakakahawang sakit na ito, marami ding mga empleyado ang nawalan ng kanilang mga trabaho na tangi nilang inaasahan bilang pangsuporta sa kanilang mga pamilya.



Habang marami sa atin ang nawawalan ng pag-asa dahil sa mahirap na sitwasyong ito ay marami din namang mga Pilipino ang mas lumalaban pa sa buhay. Tulad na lamang ng isang flight attendant na ito na nagtatrabaho sa Pan Pacific Airlines.

Si Lorrie May ang “breadwinner” ng kanilang pamilya kung kaya naman talagang kailangan niyang makahanap ng paraan upang kumita kahit papaano. Kung kaya naman nakaisip siya ng isang magandang ideya, nagtinda siya ng “fishball” at palamig sa labas ng kanilang tahanan. Kahit pa batid niyang hindi ito magiging madali ay hindi siya nagdalawang-isip na sumubok ng ibang mapagkakakitaan para sa kaniyang minamahal na pamilya.



“Fishball business muna habang lockdown, ito ang bagay na ng buhay sa aking paglalakbay patungo sa pagiging F.A. Maraming salamat sa Aking mga magulang na ako’y inyong minulat sa maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailan man,” pahayag ni Lorrie May.

“From a simple family vendor and a farm earning family, di ko kailanman ito Ipag-kakaila. Hanap buhay parin para sa pamilya at pinaka mamahal na anak.” Dagdag pa niya.


Nagsilbing inspirasyon si Lorrie May sa maraming mga Pilipino na nakakaranas din ng mahirap na sitwasyong ito. Tunay nga na hindi natin dapat ikahiya ang trabahong marangal lalo na kung nakakatulong din ito sa ating pamilya sa panahon ng krisis.



Pinatunayan lamang niya na kayang-kaya nating mga Pilipino na maging madiskarte at gumawa ng paraan para sa ating mga minamahal.




error: Content is protected !!