Multo na mahilig magwork-out, nagparamdam sa isang viral video!



Marami sa atin ang talaga namang naglalaan ng oras upang makapag-ehersisyo sa araw-araw o di kaya naman ay kahit ilang beses lamang sa isang linggo. Hindi lamang upang magkaroon ng balingkinitang pangangatawan ang dahilan ng marami sa atin kung hindi para sa kanilang maayos na kalusugan.



Kamakailan lamang ay nangilabot ang maraming mga netizens dahil sa viral video na ito ng diumano ay isang multong hilig mag-ehersisyo. Maging ang mga pulis na nagtungo sa naturang outdoor gym ay talaga namang nakaramdam din ng kakaiba sa lugar.

Ang naturang pagpaparamdam ng isang multong nais lamang mag-eehersisyo ay nakuhanan pa ng video. Nakuhanan ng mga pulis sa Kanshiram Park sa Nandanpura sa Jhansi, India ang isang “shoulder press” na talaga namang gumagalaw ng kusa na animo ay mayroong nilalang na hindi nakikita na gumagamit nito.


Taas at baba lang kasi ang paggalaw ng naturang gym equipment na tila mayroong naghahard-workout. Dahil sa wala rin naman talaga silang makitang kahit sino sa lugar na iyon ay hindi talaga nila masabi kung bakit ganoon na lamang ang paggalaw ng naturang gym equipment.


Maraming mga netizens ang talaga namang natakot nang mapanuod ang viral video. Kapansin-pansin ang pagtataka ng mga pulis sa video na ito ngunit agad din namang natuklasan ng mga otoridad na mayroon pa lang isang tao na naglagay ng labis na grasa sa “shoulder press” kung kaya naman ganoon na lamang ito gumalaw.


Ngunit maraming mga netizens ang hindi naniniwala sa paliwanag na ito ng mga otoridad dahil sa hindi naman kayang pagalawin ng grasa ang isang mabigat na bagay ng ganoon na lamang kabilis. Tunay nga na hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga kakaiba at nakakakilabot na bagay ang nararanasan natin sa araw-araw.



Ngunit sa kabila nito ay batid naman natin na lilipas din ang mga ito kung kaya naman ipinagdasal na lamang natin ang mga ganitong klase ng elemento at karanasan.




error: Content is protected !!