Paskil sa isang poste ng isang babae, labis na kinagiliwan ng mga netizens!



Sa panahon natin ngayon, talaga namang napakarami nang mga modernong kagamitan o bagay ang nagagamit natin sa araw-araw na tunay nga na nakakatulong ng malaki sa ating mga pamumuhay. Tulad na lamang halimbawa ng pamamaraan natin ng pakikipagkomunikasyon.



Kung noon ay tanging sa mga paskil lamang tayo umaasa o di kaya naman ay sa mga sulat, sa ngayon ay mayroon na tayong social media at internet na naging malaking tulong sa pagiging kombinyente ng maraming mga bagay.

Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring mga tao ang gumagamit ng mga nakasanayan na nating mga bagay tulad na lamang halimbawa ng pagpapaskil ng mga anunsiyo kung saan naghahanap tayo ng mga kasambahay o di kaya naman ay taong mamamasukan sa isang partikular na trabaho.


Maaari din tayong gumamit ng mga paskil kung mayroon tayong isang kaibigan o mahal sa buhay na nawawala at nais nating mahanap. Kamakailan lamang ay labis na ikinatuwa ng publiko ang isang larawan ng babaeng nakapaskil sa isang pader na ibinahagi ng Facebook page na “Leidz”.

Mapapansin sa naturang paskil ang “ATTENTION” kung kaya naman aakalain mo talagang nawawala ang naturang babae sa larawan. Ngunit mayroon ding nakasulat sa ibabang bahagi ng kaniyang larawan na “Thank you for your attention”. Tunay nga na hindi napigilan ng maraming mga netizens ang matawa sa hindi pangkaraniwang larawan na ito.


Dahil dito ay hindi na nakapagtataka pang umani ng napakaraming mga komento mula sa publiko ang naturang post. Narito ang ilan sa mgaa naging reaksyon ng ilang mga netizens:



“Hay naku Ate ah… sinayang mo lang ang dalawang segundo ng bhy ko. Kakaloka! Mabuti na lang at pretty ka, medyo nakakawala ng inis. Last mo na iyan!” sabi ng isang netizen.

“Hanep naman Miss hehehe. Hindi man lang naglagay ng iba pang mga details gaya ng contact number niya kung talagang naghahanap siya ng atensyon hahaha.” Pahayag naman ng isa.

“Iba rin ang tama ni Ate Girl eh. Papansin talaga siya hahahaha…” sambit naman ng isa pa.




error: Content is protected !!