BB Gandanghari ibinahagi kung paano hinarap ni Rustom Padilla ang usap-usapan noon patungkol sa kaniyang pagkalalaki!



Si Rustom Padilla ay kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari. Marami ang hindi makapaniwala na sa ngayon ay kinikilala na siya bilan isang “transwoman” sa ibang bansa.



Dati ay marami ang mga Pilipinong humanga sa kaniya dahil sa kaniyang pambihirang husay sa larangan ng pag-arte, pagiging direktor at komedyante. Isa rin siya sa mga “matinee idols” na nagpakilig sa maraming mga kababaihan noong kaniyang kasikatan.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni BB Gandanghari sa kaniyang vlog ang naging karanasan ng kaniyang “kakambal” na si Rustom Padilla noong mga panahong kinukwestyon ng marami ang kaniyang pagkalalaki. Inamin ni BB na noon ay talagang lalaki pa si Rustom ng makilala at ligawan niya ang aktres na si Carmina sa edad na 16 na taong gulang habang si Rustom ay 25-anyos na.


Tunay na minahal ni Rustom si Carmina noon at talagang nangarap siyang magkaroon ng masayang pamilya kasama ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniling nito sa kaniya na maghiwalay na sila kung kaya naman wala na siyang nagawa pa kung hindi palayain ang isa sa pinakamagandang nangyari sa kaniyang buhay.


Naibahagi din ni BB na kahit pagod at puyat noon si Rustom ay talagang naglalaan ito ng oras sa kaniyang nobyang si Carmina at bantay-sarado pa ito sa kaniyang mga taping. Nang kumalat ang usap-usapan patungkol sa diumano ay pagiging bakla ni Rustom ay 5 buwan na pala silang magkasintahan ni Carmina kung kaya naman talagang nagalit siya sa reporter na nagpasimula ng usapin na ito.



Ayon din kay BB ay kinompronta ni Rustom ang reporter at hinawakan sa likod ang kwelyo nito nang magkasalubong sila noon. Hinamon pa niya ito ng suntukan at nang makita ito ni Carmina ay hindi nito napigilang umawat at nadulas din siyang tawagin na “Honey” ang aktor. Tunay nga na marami pa rin ang nanghihinayang dahil hindi nagkatuluyan sina Rustom at Carmina ngunit kahit papaano ay nasa maayos naman silang kalagayan sa ngayon.




error: Content is protected !!