Isang Thai actor nagtrabaho bilang isang Grab Driver sa gitna ng pandemya!



Isa sa pinakamahirap na bagay na naranasan natin mula nang nanalanta ang nakakahawang sakit na COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo ay ang kawalan ng trabaho o pagkakakitaan ng maraming mga indibidwal. Talaga namang naging mahirap ito lalo na sa mga taong “breadwinner” o yung mga inaasahan ng kanilang pamilya lalo na sa ganitong uri ng mga pangyayari.



Maraming mga pamilya ang nagutom at hindi malaman kung paano ang kanilang gagawin upang mairaos ang pang-araw-araw nilang buhay. Ngunit kung maraming mga tao ang nagrereklamo patungkol sa kanilang paghihirap, mayroon pa rin namang iilan na patuloy na nagsusumikap at hindi sumusuko sa laban ng buhay.


Isang napakagandang halimbaw ang Thai actor na nagtrabaho bilang isang Grab Driver sa kabila ng “quarantine”. Dahil sa wala siyang proyekto ay nagsumikap siyang maghanap ng isang desenteng trabaho upang kahit papaano ay mayroon pa rin siyang maiuwing pera sa kaniyang pamilya.


Ang nakakabilib na aktor na ito ay isa “Amp”. Bukod sa pagiging mahusay na aktor ay isa rin siyang nakakamanghang ama at asawa sa kaniyang pamilya.

Ayon sa ilang mga ulat ay talagang nakakaipon siya dahil sa lahat ng “bookings” ay tinatanggap nito bilang isang Grab driver. Maraming mga netizens ang talagang humanga sa kaniya dahil kahit pa nga isa na siyang sikat na aktor ay hindi pa rin ito nagdalawang-isip na gawin ang trabahong ito para sa kaniyang pamilya.



Tunay nga na dapat siyang maging isang huwaran para sa maraming mga indibidwal na hanggang mayroon kang diskarte sa buhay ay hindi ka magugutom o ang iyong pamilya. Hindi ka rin manghihingi ng pagkain o pera sa ibang tao dahil ikaw mismo ay makakagawa ng paraan upang makahanap ng isang desente at marangal na trabaho tulad na lamang ng Thai actor na si Amp.

Hindi lamang siya gwapo at matipuno ngunit isa rin siyang responsableng ama at asawa.




error: Content is protected !!