Lolo na mayroong “Alzheimer’s d!sease” nakalimutan na ang lahat ngunit hindi ang kaniyang asawa!



Ang mga taong nagkakaroon ng karamdamang “Alzheimer’s d!sease” ay nagkakaroon ng problema pagdating sa kanilang alaala. Karamihan sa kanila ay hindi na maalala pa at hindi na makilala ang kanilang asawa at mga anak.



Kadalasan din na nakakalimutan na nila ang kanilang mga pangalan at umaastang mga batang paslit. Mahihirapan din silang kumilos ng sila lamang sa araw-araw dahil maging ang wastong paraan ng pagkain nila ay makakalimutan na rin nila.



Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwento ni Lolo Rogelio Dy, 76 taong gulang na mayroong sakit na “Alzheimer’s d!sease”. Sa kabila kasi ng kaniyang karamdaman at halos nakalimutan na rin niya ang lahat ng bagay, nananatili pa ring malinaw ang kaniyang alaala sa kaniyang kabiyak na si Lola Erlinda.



Ngunit bigla na lamang dumating ang panibagong pagsubok sa kanilang pamilya nang magpositibo si Lola Erlinda sa COVID-19. Ilang linggo din niyang kinailangang sumailalim sa “isolation”.

Kinailangang sumunod ng buong pamilya sa direktiba ng otoridad kung kaya naman kahit mahirap para sa kanila na malayo sa kanilang lola ay tinatanggap na lamang nila ito. Ngunit para kay Lolo Rogelio ay napakahirap at napakabigat na nito dahil sa noon pa man ay nasanay na siyang si Lola Erlinda ang palagi niyang kasama sa bawat oras.




Araw-araw kinukulit ni Lolo Rogelio ang kaniyang mga apo na ituro sa kaniya ang kinaroroonan ng kaniyang kabiyak. Hindi rin naman napapagod ang kaniyang mga apo na ipaalala sa kaniya ang nangyari kay Lola Erlinda ngunit nais pa rin talaga niyang puntahan ang mahal niyang asawa sa ospital.

“Kailangan pagpasensyahan mo lang tapos mag-e-explain ka lang talaga nang maigi sa kanya,” pagbabahagi ng isa sa kaniyang mga apo na si Jove Pascual.

“Kapag kinukumusta niya ako, kinikilig ho siya. Nami-miss daw niya ako. Sabi niya susunduin daw niya ako diyan. Sabi ko hindi puwede,” Pagbabahagi naman ni Lola Erlinda.



“Naaawa nga ako sa asawa ko e. Kung magkakasakit, ako na lang sana, huwag na siya. Syempre mahal ko ho ‘yung asawa ko kaya ganoon,” Pahayag naman ni Lolo Rogelio.

Buti na lamang at naging mabuti rin ang kalagayan ni Lola Erlinda at nakauwi na siyang muli sa kaniyang pamilya at ang kaniyang mapagmahal na mister.



error: Content is protected !!