Delivery man, nanakawan ngunit agad na ibinalik ng mga magnanakaw ang kaniyang pera!



Hindi madaling trabaho ang pagiging isang delivery man. Ang kanilang trabaho ay madalas na nakakapagod ngunit sadyang maliit lamang ang kanilang kinikita.


Napakahirap din ng kanilang sitwasyon lalo na kung mayroong mga taong umorder at kinansela ang kanilang mga inorder. Sa kabila ng mga pagsubok na ito ay patuloy pa rin silang nagtatrabaho dahil sa kailangan nilang kumita para masuportahan ang kanilang mga pamilya at magkaroon ng pagkain sa kanilang hapag-kainan lalo na nang naranasan natin ang pandemyang COVID-19.



Ngunit higit pala sa mga customer na masyadong mapagsamantala ay kinakaharap din nilang problema ang mga magnanakaw. Dahil sa pandemyang ito ay pinipili ng ibang mga tao na gumawa ng masama upang magkaroon ng pera.


Tulad na lamang ng ginawa ng isang delivery man sa Pakistan na ninakawan ng dalawang mga magnanakaw. Ayon sa ilang mga ulat, ang delivery man na ito sa Karachi, Pakistan ay hinarang ng dalawang mga magnanakaw.



Nakamaskara ang dalawang magnanakaw kung kaya naman hindi ito nakilala o namukaan ng delivery man. Dahil sa takot ay agad na lamang na ibinagay ng delivery man ang kaniyang pera sa mga magnanakaw. Wala na ngang nagawa ang lalaki kundi ang maiyak na lamang sa sobrang takot, pagkabigla at panghihinayang. Ngunit hindi niya inaasahang babalik ang mga magnanakaw at isasauli ang kaniyang pera.

Dinagdagan pa ito ng isang magnanakaw ng pera habang ang isa ay niyakap pa siya bago tuluyang umalis. Nagpapatunay lamang ito na hindi lahat ng mga kriminal ay masama.




Ilan sa kanila ay talaga namang wala lang ibang mapagpipilian kundi ang gumawa ng masamang bagay para sa kanilang sariling pamilya. Naging desperado lamang sila dahil sa labis na kahirapan at pagsubok na kanilang pinagdaraanan.

Sa panahon natin ngayon, marami talagang mga hindi inaasahang insidente na talagang ikakabibigla at ikakasorpresa natin sa paglipas ng panahon ngunit marami pa ring mga tao ang talagang mayroong puso para sa kanilang kapwa gaano man kahirap ang kanilang mga pinagdaraanan sa buhay.





error: Content is protected !!