Isang lalaki ibinahagi ang kaniyang nakakamanghang “room makeover” sa kaniyang kwarto!



Sa pinagdaanan nating “quarantine” sa loob ng halos tatlong buwan ay maraming mga indibidwal ang talaga namang nag-aaral ng iba’t-ibang mga kasanayan o hilig habang ang iba naman ay bumabalik sa pagkahilig sa dati nilang mga interes. Marami ang gumagawa nito para lamang malibang o di kaya naman ay makapagpalipas sila ng oras.


Mayroon din namang iilan na nakahanap ng trabaho “online” o di kaya naman ay nakapagsimula ng negosyo habang nasa loob ng kanilang mga tahanan. Ngunit iba ang ginawang ito ng isang netizen dahil sa naging kapakipakinabang ang kaniyang panahon nang gumawa siya ng mga renovations sa kaniyang tahanan.



Siya ay nakilala bilang si Nelo Coloma. Talagang nabigla ang marami nang makita ang kaniyang napakagandang kwarto.



Mula sa simpleng kwarto kasi ay nakagawa siya ng isang napakagandang silid na aakalain mong kwarto sa isang hotel. Noong una ay wala naman talaga siyang balak na ipaayos o ipabago pa ang kaniyang kwarto, kahit anong kurtina pa nga ang ibigay ng kaniyang ina sa kaniya ay ayos lang.


Ngunit nang nagkaroon ng quarantine ay talaga namang napagdesisyunan niyang ayusin ang kaniyang silid. Noong una ay plano niyang siya na lamang ang magpintura ay nag-ayos nito ngunit mas minabuti niya nang kumuha ng tauhan upang magpintura ng kaniyang kwarto.




Matapos nito ay naglagay siya ng mas maayos na kurtina, ilang mga kagamitan, at ang kaniyang TV ay pinalagay niya sa kaniyang dingding na akala mo ay isang “home theater” dahil sa mayroon din itong mga speakers. Maliban dito ay mayroon din siyang napakagandang lightning na talagang mayroong “cozy ambiance” na talagang aakalain mong nasa hotel room ka.


Talaga namang napakagandang view sa mismong loob ng iyong silid at hindi mo na kakailanganin pang lumabas ng iyong tahanan at magtungo sa isang mamahaling hotel. Ikaw nais mo rin bang ayusin ang iyong kwarto nang mala-hotel?





error: Content is protected !!