Misteryosong mga sulat natagpuan ng isang babae sa kisame ng kanilang tahanan!



Sadyang napakarami nang naging kaganapan sa pagpasok ng taong 2020. Napakaraming naging hamon at pagsubok sa ating buhay, inulan din tayo ng mga sakuna at kalamidad.

Ngunit sa kabila ng mga ito ay patuloy pa rin tayong nagiging matatag at puno ng pag-asa. Nagdulot rin ng napakagandang inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang natagpuan ng isang babae na ito na mga misteryosong sulat sa kisame mismo ng kanilang tahanan.




Sino ba naman ang mag-aakala na mayroon pang mga ganitong klase ng liham at mga larawan hanggang sa ngayon? Ilang mga “love letters” at larawan kasi ang nakita ng isang babae, nang hindi niya inaasahang sa kanilang bahay

Kung kaya naman agad siyang nagpatulong sa mga netizens upang kahit papaano ay mahanap niya ang nagmamay-ari ng mga liham at mga larawan na kaniyang natagpuan. Sa panahon natin ngayon na sadyang napakarami nang mga relasyon ang hindi nagtatagal, nakakatuwang malaman na mayroon pa rin pa lang mga ganitong uri ng bagay na nakatago at hindi inaasahang malantad sa publiko.




Ang pangalan ng babaeng nakakita ng mga ito ay Gela Ps. Isang malaking bag kasi ang kaniyang natagpuan na punong-puno ng mga liham at mga larawan.

Buti na lamang at natagpuan nila ito kaagad habang pinapaayos nila ang kanilang bahay. Tila niluma na nga ng panahon ang ganitong klase ng mga bagay ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging wagas at totoo ng mga alaalang ito.




Maraming mga netizens ang talaga namang nasorpresa sa nakatagong lihim na ito. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang humahanga at talagang bumibilib sa ganitong mga pamamaraan.

Kung kaya naman marami rin ang umaasa na sana ay matagpuan ni Gela ang tunay na nagmamay-ari ng mga liham at mga larawang ito. Tunay nga na napakaraming lihim na mga bagay na hindi pa natin natutuklasan kung kaya naman sa tuwing magkakaroon tayo ng pambihirang pagkakataon ay dapat talaga tayong magalak dahil isa tayo sa mga pinalad na masaksihan ang mga ganitong klase ng bagay.





error: Content is protected !!