Beauty Gonzales nag-training para sa Special Operations Unit ng PNP Security Group



Si Beauty Gonzalez-Crisologo o mas nakilala ng publiko bilang si Beauty Gonzalez ay 29 na taong gulang na aktres, host, model, at vlogger. Siya ay isang Spanish-Filipino mula sa Dumaguete City.



Binansagan siya bilang “Rebellious Beauty” nang sumabak siya sa reality show na “Pinoy Big Brother” kung saan siya ay nagwagi ng ikaapat na pwesto sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.” Isa sa mga naging sikat niyang proyekto matapos ang kaniyang paglahok sa PBB ay ang proyekto nila ni Zanjoe Marudo na “Dream Dad”, “Pusong Ligaw” at “Kadenang Ginto”.



Taong 2017 nang ikasal siya sa kaniyang mister na si Norman Crisologo. Biniyaan sila ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Olivia. Kamakailan lamang ay ginulat niya ang publiko dahil sa ginawa niyang pagsasanay para sa Special Operations Unit (SOU) ng Philippine National PPolicee (PNP) Aviation Security Group.

Kung marami sa atin ang naghahanap ng ibang mapaglilibangan habang naka-quarantine gaya na lamang ng pagluluto, pagbe-bake, pagbabasa ng libro, panunuod ng paborito nating pelikula o di kaya naman ay pagtatanim, talaga namang level up ang pinagka-abalahan ng celebrity mom.



Ayon sa naging pahayag niya nang makapanayam siya sa “Magandang Buhay”, ginawa lamang niya ang ilan sa mga bagay na hindi aakalain ng ibang tao na makakayang gawin ng isang aktres na katulad niya.

“Siyempre noong ECQ sobrang lockdown talaga. Talagang nasa bahay lang kami. After ECQ, GCQ I tried something new. I tried something na hindi mo ma-imagine. So I’m doing Police training now for the Special Operations Unit (SOU) of the (PNP) Aviation (Security) Group.” Pahayag ng aktres.



Para kay Beauty, ang naging karanasan niya rito ay nagsilbing inspirasyon para mas makita niya ang kahalagahan at pagkakaiba ng maraming mga tao sa kaniyang paligid. Ipinagpapasalamat din niya ang pagiging magandang halimbawa sa kaniya ng PNP na mas maghikayat pa ng ibang tao upang magsanay rin at maging bahagi ng kanilang pwersa.

Ayon sa aktres, kung ikaw ay nakapagtapos na ng kolehiyo, edad 18 hanggang 30 anyos, nasa 5”5’ ang taas ay maaaring maging bahagi ng pagsasanay na ito. Lalo na para sa mga kabataang Pilipino na nagnanais makapagsilbi sa ating bayan.



“Talagang nakaka-inspire kasi this is a career na magbibigay sa iyo ng dignity, camaraderie and you are serving the Philippines. Iba ‘yung feeling to serve the Filipinos,” Dagdag pa ng aktres.



error: Content is protected !!