Isang pamilya ang pumakyaw sa lahat ng paninda ng 70-anyos na vendor na ito at nagpasimula pa ng fund-raising para sa kaniyang pagreretiro!



Sa edad na 70 taong gulang ay araw-araw pang nagtitinda at nagbebenta ng paletas o ice pop snacks si Don Rosario sa kalye ng East Side, Chicago sa Illinois, USA. Sa kaniyang edad ay wala pa rin siyang balak na mamahinga na lamang at magretiro dahil sa gusto pa rin niyang magtrabaho upang masuportahan ang kaniyang sarili.



Nitong nakaraang “Father’s Day celebration” ay binili ng isang pamilya ang lahat lahat ng kaniyang mga paninda at nagsimula din sila ng isang fund raising campaign para sa kaniyang pagreretiro. Talaga namang hindi napigilan ng matanda ang kaniyang sarili na maging emosyonal at mapaiyak.

Marami ding mga netizens ang talagang natuwa at naantig sa ginawang kabutihang loob na ito ng pamilya. Ayon kay Michaelangelo Mosqueda ngayong taon ay napagdesisyunan na ng kaniyang lolo na magretiro na kung kaya naman nang makita nilang nagtitinda si Don Rosario ay ninais ng kaniyang lolo na matulungan na rin ito sa abot ng kanilang makakaya.



Talaga namang walang mapagsidlan ang kagalakan ni Don Rosario dahil sa unang beses niyang maranasan na mayroong pumakyaw sa kaniyang mga paninda. Ayon sa lolo ni Michaelangelo ay ginawa nila ito upang makauwi ng maaga si Don Rosario dahil ang araw na ito ay para sa mga dakilang ama ng tahanan.



Ngunit hindi pala dito nagtatapos ang pagtulong ng pamilya sa matandang vendor dahil sa naglunsad si Michaelangelo ng “GoFundMe Campaign” upang matulungan ang matandang vendor na makapagretiro na. Sa loob ng isang araw ay mayroon na kaagad na halos $40,000 na donasyon para sa masipag na vendor.

Halos na $10,000 lamang ang inaasahan na malikom ng pamilya ngunit talaga namang nasopresa sila dahil sa halos apat na beses pa ang nilaki ng donasyong nalikom nila para kay Don Rosario! Talaga namang nakakatuwang malaman na sa tulong ng pamilyang ito ay maaari na ring makapagretiro ang matandang vendor matapos ang ilang dekado nitong pagpapagal sa kaniyang trabaho.





error: Content is protected !!