Isang Pinay-Australian tinaguriang pinakabatang bilyonaryo sa Australia!



Marami sa atin ang nangangarap na maging mayaman upang hindi na natin pa kailan poproblemahin ang ating pang-araw-araw na pagkain, gastusin at pananalapi. Ngunit hindi lahat tayo ay pinapalad na maging mayaman sa pamamagitan man ito ng matinding diskarte sa buhay o dahil sa pagiging mayaman ng inyong angkan.



Kamakailan lamang ay ginulat ng isang Pinay Australian na ito ang publiko dahil sa siya pala ay itinuturing na “youngest billionaire in Australia” at “third richest woman in the country” sa edad lamang na 32-anyos! Siya ay nakilala bilang si Melanie Perkins. Co-owner si Melanie ng “graphic design and publishing tool” na ‘Canva’ kasama ang kaniyang fiancé na si Cliff Obrecht at ng kaibigan nilang si Cameron Adams.



Ayon sa ilang mga ulat ay taong 2014 lamang nila itinayo ang kanilang kompanya. Mayroon nang higit sa 50,000 mga paaralan at higit sa 15 milyong mga tao ang gumagamit ng kanilang “platform” sa loob lamang ng isang buwan.



Dahil sa pananalanta ng nakakahawang sakit at pandemyang COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo ay maraming mga negosyo ang nalugi ngunit ang “Canva” ay mas tinatangkilik pa ng maraming mga tao. Sa gitna ng mahirap na pagsubok na ito ay dumoble pa ang mga taong gumagamit nito na halos na 30 milyong katao na.

Karamihan sa mga ito ay gumagawa ng 80 mga designs bawat Segundo, gumagawa ng mga “presentations”, o di kaya naman ay gumagawa ng mga content sa “social media”. Halos na $6 bilyon ang nadagdag sa kita ng kanilang kompanya.




Halos nadoble rin ang kita ni Melanie dahil rito. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang pumangatlo siya sa pinakamayamang babae at pinakabatang bilyonarya sa Australia.

Mayroon na siyang $1.32 billion na halaga ng kaniyang mga pananalapi at pagmamay-ari na makikita rin sa “Australian’s richest 250 list”. Talaga namang nakakabilib at kamangha-mangha, hindi ba?

“I think that’s the most important thing because once you find a problem you want to solve passionately, there’s gonna be so many barriers — every single barrier you can possibly imagine. I think that once you get a crystal clear picture of the problem you want to solve, that’s sort of step one,” Payo ni Melanie para sa mga nagnanais ding maging entreprenyur tulad niya.





error: Content is protected !!