Categories: Business

“Snake plant”, binabalewala lamang dito sa Pinas ngunit napakamahal pala sa ibang bansa!

Maraming mga Pilipino sa ngayon ang nahihilig sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman at mga panananim. Bukod kasi sa napakainam na pangpalipas oras nito sa araw-araw ay marami din itong magandang maidudulot sa ating kapaligiran.

Marami ding mga Pilipino ang nagsasabing nakakabawas at nakakatanggal talaga ng “stress” at pagod ang pagkakaroon ng mga alagang halaman, bulaklak, o puno. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon pa palang higit na benepisyo ang pagkakaron ng mga halaman o mga panananim na ito.

Tulad na lamang ng pagkakaroon ng “Snake plant”. Isa itong “ornamental plant” na maituturing ngunit madalas ay hindi naman din pinapansin o pinapahalagahan ng marami sa atin dahil sa napakarami nito sa ating bansa.

Halos lahat na nga yata ng kabahayan ng bawat pamilyang Pilipino ay mayroong ganitong klase ng halaman. Kamakailan lamang naging usap-usapan sa social media ang halaman na ito partikular na sa Facebook page na “Papa”, napakarami kasing mga netizens ang hindi makapaniwalang napakamahal pala ng halaman na ito sa ibang bansa ayon na rin sa presyong makikita sa viral na larawan nito na tila kuha pa mula sa ibang bansa.

Mayroon itong caption na “Ano kaya meron sa halaman na ito? Ang dami–dami nito sa bahay eh!”

Narito ang mga naging komento ng mga netizen sa viral na post patungkol sa halaman na “Snake Plant”:

“Keep this plant in the bedroom, because it converts CO2 (carbon dioxide) into oxygen at night.” Pahayag ng isang netizen.

“Air purifier po kasi ang snake plant and mostly mga bahay sa abroad they have that kind of plant. Dito sa Pilipinas, binabalewala lang iyan minsan,” Dagdag pa ng isang netizen.

“Now I know why my grandmother is taking care of those plants in our home. Medyo pricy pala iyan sa ibang bansa. Medyo hindi iyan pinapansin ng karamihan dito sa Pilipinas, maliban na lang kung talagang mahilig sa paghahalaman ang tao.” Komento naman ng isa pa.

Alam ba ninyong base sa isang pag-aaral sa Harvard University, ang “Snake plant” ay itinuturing na “most oxygen-producing houseplant.”

Editor Juan

Share
Published by
Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago