Ito pala ang napakagandang bahay na naipundar nina Toni at Alex Gonzaga sa Taytay, Rizal!



Sina Toni at Alex Gonzaga ay isa sa mga hinahangaang aktres ngayon sa telebisyon hindi lamang dahil sa kanilang pambihirang husay sa larangan ng paghohost at pag-arte. Hindi rin naman maikakaila ang angkin nilang kagandahan at ang pagiging busilak ng kanilang kalooban lalo na pagdating sa pagtulong sa kanilang kapwa.



Ang magkapatid na ito ay isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino dahil sa kanilang wagas na pagmamahal sa kanilang pamilya at sa pagtutulungan nilang dalawa na maabot ang kanilang mga pangarap. Sa ngayon ay malapit nang ikasal si Alex Gonzaga sa kaniyang fiancé na si Mikee Morada habang si Toni naman ay masayang-masaya sa piling ng kaniyang sariling pamilya.

Ang napangasawa ni Toni ay ang kaniyang longtime boyfriend na isa ring mahusay na direktor, si Paul Soriano. Biniyayaan sila ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Severiano Elliot o Seve.



Bukod sa napakasaya nilang pamilya ay labis ding hinahangaan ng marami ang bagong ayos nilang tahanan sa Taytay, Rizal. Ang una nilang bahay ay mayroong sukat na 150 sqm na nabili ng pamilya noong taong 2015.

Ang kanilang magandang tahanan ay mayroong 4 na mga silid at isang swimming pool. Makalipas ang ilang taon ay nakaipon silang muli at bumili ng sarili nilang lupa na mayroong sukat na 600 sqm.
Mayroon naman itong dalawang kwarto para kay Alex at Toni. Narito at silipin natin ang napakagandang tahanan ng pamilya Gonzaga.



LIVING AREA


Napakaelegante at napakaganda ng kanilang “living area”. Mayroon itong 3-seater na sofa na galing sa “Imperial House of Furniture Gifts and Porcelain”. Mayroon din silang wooden coffee table at ceramic horse figure.



KITCHEN AREA


Napakaganda din naman ng mga wooden kitchen cabinets sa tahanan ng magkapatid. “Victorian vibe” ang tema ng kanilang kusina na maging ang kanilang ref ay nababalot din ng kahoy. Nakadagdag din ng ganda ang kanilang mga puting counter.

DINING AREA


Sadyang napakaaliwalas at napakaganda din naman ng kanilang “dining area”. Kasyang-kasya ang buong pamilya at ilang mga bisita sa bahaging ito ng kanilang tahanan.



ENTERTAINMENT ROOM


Mayroon silang isang L-shape na sofa sa kanilang entertainment room kung saan sila nanunuod ng mga pelikula. Mayroon din silang electronic piano dito.



error: Content is protected !!