Ramon Revilla Sr. sa pagkakaroon niya ng maraming mga anak: “I should not be admired for this.”



Si José Acuña Bautista Sr. ay nakilala ng publiko bilang si Ramon Revilla Sr. o Ramon Revilla. Siya ay isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz at naging isa ring senador ng bansa.

Bilang isang senador ay naging malaking ambag na niya sa maraming mga Pilipino ang Republic Act. 9255 o ang “Revilla Law” kung saan ang mga “illegitimate” na anak ay maaaring gamitin ang apelyido ng kanilang ama kung kikilalanin sila nito at sa pamamagitan ng dokumentong magpapatunay ng kanilang pagiging mag-ama.



Siya ang pinakabata sa sampung magkakapatid. Ang kaniyang kabiyak ay si Azucena Mortel at ikinasal sila noong Pebrero 16, 1944.


Taong 1998 nang pumanaw si Azucena. Biniyayaan naman sila ng pitong mga anak sina Marlon, Rowena Bautista-Mendiola, Jose Maria (Bong Revilla), Rebecca Bautista-Ocampo (Princess Revilla), Edwin (Strike Revilla, Andrea Bautista-Ynares, at Diana.


Habang si Ram Revilla naman ay anak niya sa ibang babae na kaniyang nakarelasyon. Aminado ang nakatatandang Revilla na hindi siya nagkokontrol o nagpipigil ng kaniyang kabataan lalo na pagdating sa mga babaeng kaniyang nakakarelasyon.


Hunyo 26, 2020 ay pumanaw ito dahil sa “heart fa!lure” na labis na ikinalungkot ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta. Labis ding nagluluksa ang kaniyang buong pamilya at mga kaibigan.


Naging usap-usapan kamakailan lamang ang naging panayam sa kaniya ni Jessica Sojo noong taong 2004 kung saan inamin nitong halos nasa 82 na ang bilang ng kaniyang mga anak. Ayon naman sa panayam ng PEP.ph sa kaniyang anak na si Rowena taong 2008 ay nasa 44 lamang ang kinikilala nilang mga kapatid sa kanilang ama na si Don Ramon.



Pinayuhan din naman ni Don Ramon ang kaniyang mga anak at mga apo na huwag siyang tularan. Bagamat nahihirapan siyang pangaralan ang kaniyang mga anak na lalaki patungkol sa bagay na ito ay palagi niyang pinapaalala sa mga ito na mahirap ang magkaroon ng maraming mga anak.


Inamin din niya na sadyang nagkamali siya noon at hindi tama ang kaniyang mga naging desisyon ngunit nagpapasalamat pa rin naman siya dahil sa nagkaroon siya ng pagkakataong maging ama sa marami niyang mga anak.




error: Content is protected !!