Isang Chinese national naiwang bigo at luhaan matapos bilhan ng dalawang bahay ang kaniyang Pinay na misis!



Maraming mga Pilipino ang nangangarap ng marangya at komportableng pamumuhay. Ilan sa ating mga kababayan ay nabigyan ng pambihirang pagkakataon na makapangasawa ng isang dayuhan mula sa ibang bansa na naging dahilan kung kaya naging maayos pamumuhay ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas at ng sarili nilang pamilya ng dayuhang asawa.



Si Daniel Sun ay isang Chinese national na humingi ng tulong sa sikat na programa na “Raffy Tulfo in Action” dahil sa kaniyang asawa na si Rachel Atian na isang Pilipina. Ayon sa kaniyang pahayag ay ikinasal sila ni Rachel sa China at biniyayaan sila ng dalawang mga anak.



Ngunit hindi naging maayos ang kanilang pagsasama nang manirahan ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Grabe kasi ang insulto na dinanas ni Daniel mula sa kaniyang misis at sa pamilya nito dahil sa pagiging dayuhan nito sa ating bayan.


Pinalayas din diumano siya sa dalawang bahay na kaniyang naipundar na talaga namang nagpasama ng kaniyang kalooban. Maging ang kanilang mga anak ay hindi na pinapakita pa sa kaniya ng asawa.



Ayon naman kay Rachel, sinaktan kasi siya ni Daniel kung kaya naman galit na galit ang pamilya nito sa Chinese national. Sagot naman ni Daniel ay nagawa lamang niya ito dahil sa labis na pasakit na naidulot sa kaniya ni Rachel at ng kaniyang buong pamilya.



Dagdag pa niya ay napakahirap daw palang maging isang dayuhan sa ating bansa dahil sa walang nais tumulong sa kaniya rito. Ang nais na lamang niyang mangyari ay makuha ang kahit isa sa kanilang mga anak at nangako siyang hindi na niya nanaisin pang mabawi ang dalawang bahay na kaniyang pinundar para sa kanilang pamilya.

Tunay nga na nakakalungkot isipin na mauuwi na lamang sa ganito ang masaya at kumpletong pamilya na pinapangarap ng marami sa atin. Hindi madali ang pinagdaraanan ni Daniel ngunit mas magiging mahirap din ang sitwasyon para sa kaniyang dalawang anak lalo na kung tuluyan nang masisira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang paghihiwalay na mag-asawa at hindi pagkakaunawaan.



error: Content is protected !!