Isang customer na bumili ng iPhone 11 Pro sinubukan pang i-scam ang seller ng pekeng “deposit receipt”



Sadyang napakaraming mga mamahaling bagay sa ngayon na talaga namang hinahangad ng maraming mga Pilipino lalo na ng ilang mga kabataan. Kadalasan ay mga mamahaling damit, sapatos, o hindi kaya naman ay gadgets tulad na lamang ng mga laptop, computer, at cellphone.



Nakakalungkot lamang isipin na mayroong mga taong gagawin ang lahat para makuha ang mga bagay na nais nilang makamtan kahit pa sa hindi magandang pamamaraan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang “social medial” na ito na sinubukang i-scam ang isang seller ng iPhone sa pamamagitan lamang ng mga “deposit receipts”.


Ang isang iPhone 11 Pro ay mabibili sa halagang umaabot sa Php70,000 ngunit maaari din naman itong mabili sa mas mababang halaga lalo na kung “second-hand” na ito o nais lamang ibenta ng isang tao dahil sa personal na pangangailangan o di kaya naman ay dahil sa pagnanais na bumili ng ibang model ng cellphone.


Ang “AdaCelespeed Thaiparts” sa Facebook ng nagbahagi ng nakakalungkot na kwentong ito ng panloloko ng isang babaeng nakilalang “Pauline Michelle Ortega” para lamang magkaroon siya ng isang mamahaling cellphone ay kaya niyang maatim na lokohin ang ibang taong naghahanap-buhay at nagnenegosyo ng maayos.


Nang mabuking ang lihim ng taong nagtatago sa fake account na nakapangalan kay Pauline ay agad itong humingi ng tawad sa seller na nakilala bilang si “Koleen” base na rin sa mga larawan ng kanilang pag-uusap. Hindi biro ang halagang Php70,000 buti na lamang at hindi na nabiktima pa ang seller.



Nagbahagi din ng ilang mga nakakalungkot na pangyayari si Pauline sa kaniyang buhay kung paano niya nagawa ito ngunit talaga namang napakahirap din talagang patawarin ang taong sinubukan kang lokohin para lamang sa pagnanais na maranasan o maramdamang mayaman siya at nagagawa niyang makuha ang kaniyang mga gusto sa buhay. Kung kaya naman sana ay magsilbi itong aral sa maraming mga Pilipino, buyer man o seller.




error: Content is protected !!