Isang Swedish national nanghingi ng P20 upang makakain, humingi rin ng tulong upang makauwi ng Maynila!



Hindi naging madali ang mga nakalipas na buwan sa maraming mga Pilipino. Talagang naranasan natin ang isa sa pinakamahirap at pinakamabigat na pagsubok sa ating buhay.


Hindi lamang hirap at takot ang ating naranasan ngunit labis na kalungkutan at pangamba para sa ating mga kaligtasan. Dahil na rin sa pandemyang ito ay nalagay din sa mahirap na sitwasyon ang isang dayuhan na naging viral sa social media kamakailan lamang.



Si Bo Stalberg ay isang Swedish national na namataan ng isang concerned netizen sa Samar. Kapansin-pansin sa pisikal na hitsura ang hirap ng kaniyang kalagayan sa ngayon. Maliban kasi sa wala siyang pera ay wala rin itong suot suot na “face mask”.


Dahil sa napakahirap niyang sitwasyon ay wala na siyang nagawa pa kung hindi ang manghingi na lamang ng halagang bente pesos para lamang mayroon siyang mailaman sa kaniyang kumakalam na sikmura. Nais din ni Bo na makabalik sana sa Maynila dahil sa inabutan na siya ng “lockdown” sa Samar.


Nakiusap din ang dayuhan kung maaaring ibahagi ang ilan sa kaniyang mga impormasyon sa social media sa pagbabakasakaling makita ito ng kaniyang mga kamag-anak. Sa papel na ibinigay nito sa netizen ay isinulat niya ang kaniyang buong pangalan, tirahan, contact number, at email address.

Maraming mga netizens ang talaga namang naantig sa kwentong ito ni Bo dahil sa hindi talaga madali ang ganitong karanasan lalo na kung ikaw ay nasa dayuhang bansa. Kung kaya naman marami ang umaasa at dumadalangin na maging maayos na ang kaniyang sitwasyon at muli ay makasama na niya ang kaniyang pamilya at mahal sa buhay.


Tunay nga na nakakaawang makakita ng ganitong mga klase ng tao lalo na sa panahon natin ngayon na kasalukuyan pa rin tayong humaharap sa pandemyang COVID-19. Ngunit sana ay patuloy at patuloy pa ring maisabuhay ng marami sa atin ang pagtutulungan at pagmamalasakit para sa ibang tao.






error: Content is protected !!