Training partner at alagang aso ni Manny Pacquiao nasawi matapos masagasaan ng isang sasakyan!



Tayong mga Pilipino ay ilan lamang sa mga taong mapagmahal sa mga alaga nating hayop, madalas nga ay mas mahal pa ang kanilang mga pagkain at gamit kaysa sa atin. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ituring natin silang bahagi na ng ating pamilya.



Kamakailan lamang ay napabalita na ang isa sa mga alagang aso ni Senador Manny Pacquiao ay nasawi dahil sa nasagasaan ito ng isang kotse! Talaga namang nakakalungkot at nakakapanghinayang lalo na ang mga panahong kanilang pinagsamahan.

Si Manny Pacquiao ay isa sa pinakakilalang Pilipino sa buong mundo sa larangan ng pagboboksing. Talaga namang naipakita niya at napatunayan sa maraming mga tao sa buong mundo ang pambihira niyang husay at galing sa pakikipagbakbakan.




Sa kaniyang naging mga pagsasanay at mga laban ay naging katuwang niya ang kaniyang malalapit na kasamahan sa trabaho. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon din pala siyang alagang aso na talaga namang kasa-kasama niya noon pa man pagdating sa kaniyang mga pag-eensayo at mga pagsasanay.

Ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ito kamakailan lamang. Ayon sa naging post sa social media ni Mav Gonzales, ang matapat na alaga ni Pacman ay binawian ng buhay matapos itong masagasaan ng isang kotse sa kalsada.




Nangyari ito sa General Santos City isang araw matapos bumisita ng pamilya sa kanilang mansyon doon mula sa kanilang tahanan sa Makati. Madalas na kasama ni Pacman ang “Jack Russell Terrier” na aso habang siya ay nagjo-jogging sa umaga o di kaya naman ay kapag nag-eensayo ito sa kaniyang boxing gym.

Tunay nga na nakakalungkot makakita ng mga hayop na walang-awang iniiwanan na lamang sa kalsada matapos na masagasaan o mahagip ng mga sasakyan. Tiyak na nalulungkot din ang Pambansang Kamao dahil sa nangyari sa kaniyang alagang aso na nasawi sa edad na 14 na taon.



Kung kaya naman sana ay mas mag-ingat pa tayo lalo na kung nagmamaneho sa kalsada, hindi lamang ito para sa ating mga kaligtasan kung hindi maging sa kaligtasan ng iba pang may buhay sa ating paligid.



error: Content is protected !!