Batang isinilid sa itim na plastik bag, natagpuan ng isang American sailor na palutang-lutang sa karagatan!



Ang pagkakaroon ng isang anak ay talaga namang napakagandang biyaya mula sa Diyos ngunit kalakip nito ay isang napakabigat at napakahirap din na responsibilidad. Hindi natatapos ang sakripisyo at pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak sa pagsilang o paglaki nito.


Ang mga magulang ang inaasahang sumuporta at magmahal sa kanilang mga anak hanggang sa kanilang huling sandali. Ngunit kamakailan lamang at talagang nakakalungkot ang nangyaring ito sa isang kawawang sanggol matapos siyang itapon na lamang basta ng kaniyang ina sa gitna ng karagatan.



Nakabalot pa sa itom na plastik bag ang kawawang sanggol na talaga namang labis na nanlalamig sa kaniyang naging masaklap na karanasan. Buti na lamang at mayroong isang mabuting loob na Amerikanong naglalayag ang nakakita sa dalawang linggong gulang na sanggol na ito na palutang-lutang sa tubig.


Ang mga larawan ng bata at ng kaniyang tagapagligtas ay ibinabagi sa Facebook page na “ADJ Quotes”. Talaga namang napakaraming mga netizens ang nagalit sa walang pusong taong makakagawa nito sa kawawang bata!



Maaari namang dalhin na lamang niya sa ampunan o di kaya naman ay sa kaniyang ibang kamag-anak o kapamilya ang kaniyang anak upang hindi na niya gawin po ang karumal-dumal na gawaing ito. Ang viral na mga larawan ay mayroon nang mahigit kumulang sa 20,000 na mga reaksyon, higit sa 3,000 na mga komento at halos 22,000 mga shares online.

Tunay nga na sana ay magsilbi itong aral para sa maraming mga magulang na huwag sana nilang pabayaan ang buhay na iniregalo at ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos. Napakahalaga ng buhay kung kaya naman nararapat lamang na pahalagahan ito ng bawat isa sa atin.




Maaaring napakahirap talaga ng buhay at maraming mga pagsubok ang ating kahaharapin habang tayo ay nabubuhay ngunit kailanman ay hindi ito naging dahilan upang hamakin natin at ipagsawalang-bahala ang buhay ng ibang tao lalo na ng ating mga mahal sa buhay.



error: Content is protected !!