Isang Pinoy engineer ang nakatira ngayon sa kalye dahil sa pag-abandona ng kaniyang pamilya matapos niyang mawalan ng trabaho!



Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagtrabaho ng ilang taon sa Saudi Arabia at Ireland ngunit ngayon ay sa kalye na siya naninirahan matapos siyang mawalan ng trabaho noong taong 2011. Talaga namang napakahirap ng kaniyang naging kalagayan matapos ang ilang mga taon ng kaniyang pagsasakripisyo sa dayuhang bansa.



Ang OFW na ito ay nakilala bilang si Romeo Ordaz. Labis na naantig ang puso ng publiko dahil sa kaniyang viral na kwento sa social media.

Ayon sa kaniyang pahayag ay taong 1977 nang magtrabaho siya sa Saudi Arabia bilang isang Industrial Engineer. Pagkatapos nito ay nakahanap siya ng mas magandang trabaho sa Ireland.
Taong 2011 ay nagkasakit siya at nahirapan na siyang kumilos. Kung kaya naman kusa na siyang umalis sa kaniyang pinagtatrabahuhan.



Noong una ay tinutulungan pa siya ng kaniyang mga kapatid ngunit nang maubos na rin ang kaniyang pera ay tila ba kasama nitong naubos ang kanilang malasakit at pagmamahal sa kaniya. Dahil sa wala na siyang pera at hirap na ding makahanap pa ng ibang trabaho ay wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang manirahan na lamang sa kalye.



Ayon kay Romeo ay wala na siyang iba pang pamilya ngunit mayroon siyang asawa noon sa Ireland at ilang mga anak ngunit hindi naging maayos ang kanilang pagsasama noon. Nang kapanayamin ng media ang ilan sa kaniyang mga kapatid ay tumanggi ang mga ito at sinabing ang kanilang kapatid ay nakatira sa isa pa nilang kapatid kung kaya naman hindi na nila kailangan pang pumayag sa naturang panayam.



Tinulungan din naman ng “news crew” si Romeo upang maidulog ang kaniyang mahirap na sitwasyon sa Social Security System (SSS) dahil maaaring kwalipikado siya sa programa ng ahensiya para sa mga OFW na nangangailangan ng “cash assistance”. Talaga namang nakakalungkot ang sinapit ng OFW na ito na sa halip na matulungan ng kaniyang mga kadugo ay tila inabandona pa at hinayaan na lamang na manirahan sa kung saan-saan.



error: Content is protected !!