Mensahe ng Eat Bulaga hosts kay Pokwang: “Judgmental talaga yan!”



Dahil sa biglaang pagpapasara at pagpapahinto sa pag-ere ng ABS-CBN network, libo-libong mga empleyado ang nawalan ng kanilang mga trabaho sa gitna ng pandemya. Marami sa mga staff, crew at ilang mga artista ng Kapamilya network ang kinailangang maghanap ng ibang mapagkakakitaan o mapagkukuhanan ng kita.


Isa na marahil sa kanila ang sikat na komedyanteng si Pokwang na kamakailan lamang ay gumulat sa maraming mga Pilipino dahil sa pagbisita ni niya sa kalaban ng ABS-CBN network, ang Kapuso network. Ang “Eat Bulaga!” ang isa sa pinakasikat na programa sa telebisyon at isa rin sa pinakamatagal na noontime show sa bansa.




Karibal ito ng isa pang kilalang variety show sa kabilang estasyon na “It’s Showtime”. Kung kaya naman talagang nagtaka ang marami nang masilayan si Pokwang sa isa sa mga segment ng Kapuso noontime show.
Ibinahagi ng mga hosts ng “Eat Bulaga!” na magiging bisita nila ang batikang komedyante. Hunyo 19, 2020 nang ibunyag ni Paolo Ballesteros na maglalaro si Pokwang sa “Bawal Judgmental” na isang popular na segment ng kanilang programa.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na malapit sa isa’t-isa sina Paolo at Pokwang. Sa katunayan ay magkapit-bahay pa nga ang dalawa.



Narito ang naging pahayag ni Paolo, “Bukas, masusubok ang pagkajudgmental ng judge natin for tomorrow. Si Pokwang!”

Talaga namang na-excite ang marami dahil sa pahayag na ito ni Paolo. Ayon pa nga kay Jose, “Naku anong masusubok, eh judgemental talaga yan!”




Nang dumating na ang pinakahihintay ng marami na pagbisita ni Pokwang sa Eat Bulaga! ay agad naman itong nagpasalamat dahil sa ginawang pag-welcome ng mga staff at ni Bossing Vic sa kaniya. Ito ang kauna-unahan niyang paglabas sa telebisyon makalipas ang tatlong buwan dahil na rin sa ipinanukalang quarantine at lockdown sa maraming mga lugar sa buong bansa.

Pagbisita nga lang ba ito o maaaring lilipat na rin talaga ng network si Pokwang?





error: Content is protected !!