Dahil sa “gaming” at “vlogging” nakapagpagawa ng mansyon ang game streamer na ito!



Dahil kaisipan na ng maraming mga Pilipino na ang mga “gamers” ay kadalasang tamad at wala nang ibang ginawa kundi ang humarap sa kanilang mga computer at maglaro buong araw. Ang mga mamahaling bagay tulad na lamang ng pera, mga magagarbong sasakyan at malalaking mansyon ay hindi madalas na naikakabit sa pangalan ng mga gamers.



Isang Pinoy gamer kamakailan lamang ang nagpatunay na hindi lahat ng mga “gamers” ay tamad at walang mararating sa buhay. Dahil sa katotohanan na sa paglalaro ay mayroon talagang “kita” o pera. Talaga namang kakailanganin mo lamang ng matinding diskarte at swerte sa buhay. Sa ngayon ay nagpapatayo na si Edgar Dumali o mas nakilala ng publiko sa kaniyang “ChooxTV channel” ng kaniyang pinapangarap na bahay.


Kahit pa ngaa hindi naman niya talaga pinangarap ang labis na kasikatan bilang isang gamer ay talaga namang pinalad siyang maranasan ito. Dahil sa kaniyang “gaming” at “vlogging” natupad na niya ang isa sa kaniyang mga pangarap, ang pagkakaroon ng isang tahanan na masasabi niyanag kaniya talagang pagmamay-ari.


Namangha ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta nang ibahagi niya sa kaniyang YouTube channel ang interior at exterior design ng pinapangarap niyang tahanan. Tunay nga na walang imposible sa taong matiyaga at mayroong pangarap sa buhay.


Bagamat hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng pambihirang pagkakataon tulad nito ay talaga namang masasabi pa rin ng marami na nararapat lamang sa kaniya ang tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon. Kung kaya naman para sa marami pang mga Pilipino, huwag tayong panghinaan ng loob sa mga bagay na ninanais nating gawin.



Hindi naman magiging mabilis ang tagumpay sa buhay dahil sa pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan talaga ito. Hindi ba’t mas masarap makamit ang bagay na pinakamimithi at pinapangarap natin lalo na kung talagang pinagsumikapan natin itong makuha sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo natin sa buhay?




error: Content is protected !!