Ellen Adarna ibinahagi sa publiko ang naging pagdiriwang ng ikalawang taong kaarawang ng kaniyang anak na si Elias Modesto!



Si Ellen Meriam Go Adarna o mas kilala ng publiko bilang si Ellen Adarna ay 32 taong gulang na aktres. Siya ang panganay at kaisa-isang anak ng kaniyang Filipina-Chinese na ina at Pinoy na ama.



Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng ilang hotel, condominium at Queensland isa sa pinakakilalang motel sa Cebu, Maynila at Davao. Kamakailan lamang ay nagbahagi si Ellen ng ilang mga larawan ng naging pagdiriwang ng anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Hunyo 26 ay nag-post ng ilang mga larawan ang aktres sa kaniyang social media account na mayroong caption na “2” na mayroong kasamang mga “emoji” ng regalo, puso, ina at sanggol. Ilan sa mga larawan na ito ay ang kuha habang sila ay nakasakay sa karnabal, nasa isang bakasyon, masayang naglalaro sa “playground”, at namamasyal sa dalampasigan.




Mayroon ding larawan si Ellen habang kandong ang anak na si Elias at nagpapatugtog ng piano. Talaga namang pumukaw din sa atensyon ng publiko ang naging magarbong pagdiriwang para sa ikalawang taong kaarawan ni Elias.


Mayroong mga cake, laruan, loot bags, makukulay na mga lobo, at mga larawan ng mga nakakatuwang cartoon characters. Maririnig din ang boses ng aktres na natatawang nagpahayag na magandang ang set-up ng birthday celebration ng anak kahit wala itong bisita dahil na rin sa patuloy na pananalanta ng pandemya sa ating bansa.


Ibinahagi din naman ni Ellen sa isa sa kaniyang interview na wala pa siyang planong bumalik sa pag-aartista dahil sa nais niyang makasama pa ang kaniyang anak lalo na sa kabataan nito.
“Definitely not in the next seven years. I want to be with my son in his formative years, which is the first seven years. I’m a very hands-on mom.” Pahayag ni Ellen.




error: Content is protected !!