Isang 58-anyos na jeepney driver isa na ngayong “Lalamove delivery driver” sa gitna ng krisis sa COVID-19!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang 58 taong gulang na jeepney driver na ito dahil sa kaniyang pagiging madiskarte at maparaan. Dahil kasi sa krisis na kinakaharap ng marami sa atin ngayon ay marami din talaga ang nawalan ng trabaho.



Kasama na nga sa mga ito ang mga driver ng pangpublikonh mga sasakyan. Ngunit sa halip na sumuko at magmukmok na lamang sa kanilang tahanan ay nakagawa pa ng paraan si Tatay Lauro Paredes upang kumita pa rin sa kabila ng lockdown.


Kahit pa nga nasa “General Community Quarantine” na ang sitwasyon sa maraming mga lugar sa bansa ay hindi pa rin siya maaaring mamasada dahil sa luma na ang kaniyang jeep at hindi na papayagan pang pumasada dahil na rin sa “jeepney modernization program” ng ating pamahalaan. Buti na lamang at napiki siya bilang isa sa mga maaaring maging katuwang o partner ng “Lalamove”.


Mula sa kaniyang tahanan sa Quezon City ay maghihintay na lanang si Tatay Lauro ng “booking” mula sa kanilang mga kliyente at doon ay paniguradong kikita na siya. Ngunit sa kabila ng biyayang natanggap ni Tatay Lauro ay panibagong pagsubok na naman dahil sa matanda na siya ay hirap din talaga siyang gumamit ng mga modernong app at mga modernong gadgets, nahihirapan din siyang pumasok sa maliliit na eskinita o kalsada dahil sa malaki ang kaniyang jeep.



Kung kaya naman nilalakad na lang niya ang mga bahay-bahay at itinatanong ang tirahan ng kaniyang pagbabagsakan ng mga padala. Kahit pa nga sa gitna ng mga pagsubok na ito ay nananatili pa ring masaya at puno ng pag-asa si Tatay Lauro.

Sa katunayan nga ay mayroong isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang kwento sa social media. Nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay si Chammy Pasumbal Jalique nang dumating si Tatay Lauro dala ang kanilang inorder habang may ngiti sa kaniyang mga labi kahit pa nga wala namang nakatingin sa kaniya.




Tunay nga na naging napakagandang inspirasyon ni Tatay Lauro para sa maraming mga Pilipino. Hindi na nakapagtataka na makatanggap pa siya ng mas maraming biyaya dahil sa nakakabilib niyang pananaw sa buhay.




error: Content is protected !!