Isang pusa ang nagligtas sa isang babaeng natutulog mula sa mapanganib na ahas!



Kamakailan lamang ay umani ng maraming mga papuri ang pusa na ito dahil sa kaniyang ginawang kabayanihan at sa pagliligtas niya ng buhay ng isang babaeng mahimbing na natutulog. Muntikan na kasing matuklaw ng ahas ang babae ngunit iniligtas siya ng pusa hanggang sa dumating na ang kaniyang mga kasama sa bahay.



Si Evon Torcadilla ay wala sa kanilang tahanan nang mangyari ang insidenteng ito. Ngunit laking gulat na lamang niya nang makita niya ang kanilang pusa na binabantayan ang isang wala nang buhay na ahas.

Sa kaniyang nakita ay malapit ang dalawang hayop na ito sa kwarto ng kaniyang ina kung kaya naman palagay niya ay prinotektahan talaga ng kanilang pusa ang kaniya ina upang hindi ito mapahamak dahil sa naturang ahas. Tulog na tulog kasi ang ina ni Evon ng mga panahong iyon kung kaya naman hindi na nito namalayan na mayroon na palang ahas na nakapasok sa loob ng kanilang bahay.



Ayon pa sa pahayag ni Evon, marahil ay kinagat ng pusa ang ahas kung kaya naman namatay ito kaagad at binantayan nang pusa hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay. Tiyak na naging mahirap at madugo ang laban sa pagitan ng dalawa ngunit ang pusa pa rin ang nagwagi sa huli.

Talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens ang ginawang kabayanihan ng pusa. Ngunit mayroong ilan sa kanila ang nagpayo na marahil ay dapat din nilang ipakonsulta ang matapang na pusa sa isang beterinaryo upang masiguradong hindi ito natuklaw ng ahas at nasa mabuti itong kalagayan.


Tunay nga na sa panahon ngayon ay marami tayong nababalitaang kabayanihan hindi lamang gawa ng mga tao kung hindi maging ang ilang mga alaga nating hayop na talaga namang nakakabilib at labis na nakakamangha. Kung kaya naman dapat lamang na mas alagaan at mahalin natin ang ating mga alagang hayop dahil sa panahon nang kapahamakan ay tiyak na isa sila sa mga tutulong sa atin upang tayo ay maging ligtas at hindi masaktan.






error: Content is protected !!