Isang Grabfood rider dala-dala ang kaniyang mga pusa sa trabaho upang hindi ito malungkot sa kanilang bahay!



Kamakailan lamang ay isang Grabfood rider ang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens sa social media. Ito ay dahil sa dala-dala niya ang kaniyang alagang pusa habang nagtatrabaho siya dahil sa ayaw niyang maiwan silang mag-isa at malungkot sa kaniyang tahanan.


Ang mabait na pusa ay tahimik lamang sa kaniyang kulungan habang masayang nililibot ang siyudad dahil sa trabaho ng kaniyang amo. Ayon sa isang Twitter user na si Nadia Fauzi, umorder siya noon ng pagkain sa GrabFood at talaga namang labis siyang nasorpresa nang makita ang lalaking nagdeliver sa kanilang tahanan.



Mayroon kasing isang maliit na kulungan sa motorsiklo nito kung saan mapapansin ang dalawang nakakatuwan mga pusang sumisilip na tila ba takang-taka sa kanilang mga nakikita sa paligid. Hindi katulad ng iba pang mga pusa ay maamo ang mga ito at hindi sila takot sa ibang tao.

Sa katunayan ay hindi sila nabahala nang silipin ni Nadia ang kanilang kulungan kahit pa nga unang beses lamang nilang magkita ng mga panahong iyon. Dahil sa labis na pagkamangha ay agad na kinuhanan ng larawan ni Nadia ang mga pusa at tinanong ang rider kung bakit kasa-kasama niya ang mga ito.



Sagot naman ng rider ay nais lamang niyang ipasyal ang mga ito dahil sa ayaw niyang malungkot sila dahil sa pananatili nila sa loob lamang ng kaniyang bahay. Tunay nga na “pet lover” na maituturing ang naturang rider dahil sa inaalala niya ang kaniyang mga alaga at batid niya ang makabubuti para sa mga ito.



Maraming mga netizens ang talaga namang natuwa sa kwentong ito ngunit marami din naman ang labis na nababahala lalo na sa kaligtasan ng mga pusang nasa likuran lamang ng motorsiklo. Ngunit sa kabila nito ay kapansin-pansin din naman ang maayos na pagkakalagay o pagkakakabit ng kulungan ng mga pusa at higit sa lahat ay mukhang masayang-masaya rin sila sa kanilang pamamasyal.



error: Content is protected !!