Isang gwapong Amerikano na humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo noon, natipuhan ang isa sa mga staff ng naturang programa!



Madalas ay nakakapanuod tayo ng mga programa sa telebisyon o sa social media o hindi naman kaya ay sa pakikinig natin sa radyo na talagang kapupulutan natin ng mga aral. Marahil ilan na sa pinakasakit na programa sa ating bansa ay ang programa ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action”.



Maraming mga Pilipino ang tagasubaybay ng programang ito dahil bukod sa maraming mga tao ang kanilang natutulungan ay wala silang pinipiling lahi lalo na kung talagang nasaktan at nahirapan ang mga ito ng mga taong kanilang pinagkakatiwalaan at pinakamamahal. Tulad na lamang ng isang gwapong Amerikano na ito na si RJ Russell.



Niloko kasi siya ng kaniyang kinakasamang Pilipina na nakilala bilang si Adora. Inakala noon ni RJ na makapagpupundar sila ni Adora ng isang maayos at magandang tahanan dito sa Pilipinas ngunit nang kaniyang malaman ay wala palang narating ang kaniyang mga pinapadalang pera sa dating kinakasama.



Talaga namang gumuho ang mundo ni RJ dahil halos na 25 milyong piso na rin ang naipapadala niya kay Adora ngunit kahit kapirasong lupa ay wala itong nabili! Ninais kausapin ng programa si Adora ngunit mahimbing diumano ang tulog nito ayon sa mga kaanak.

Pahayag naman ni RJ madalas uminom ng gamot na pampatulog si Adora upang makaiwas sa mga katanungan kung kaya naman batid niyang sinasadya niya ito. Minsan pa nga ay nagbanta itong wawakasan ang kaniyang buhay nang ganap na ika-4 ng hapon.



Dahil dito ay tila nawala na ang pagmamahal niya sa dating kinakasama. Kaugnay nito ay napansin ng ilang mga staff ng programa na interesado ang Amerikano sa isa sa kanilang mga staff, si Angie.

Ayon sa mga staff ay panay ang tanong ni RJ tungkol kay Angie at sinabi rin nitong di hamak na mas maganda si Angie kaysa kay Adora. Marami namang mga netizens ang nagalit kay RJ dahil sa kakahiwalay pa lamang nito kay Adora ay tila mayroon na agad siyang napupusuang ibang babae!





error: Content is protected !!