Lalaking nag-photoshop ng kaniyang “childhood pictures” kasama ang kaniyang mga larawan ngayon, labis na hinangaan ng publiko!



Minsan mo na rin bang naisip o pinangarap na mabisita mong muli ang iyong naging kabataan sa kasalukuyan mong edad? Marahil ay papayuhan mo ang iyong sarili patungkol sa maraming mga bagay o di kaya naman ay sasamantalahin mo ang pagkakataon na makita ang iyong sarili noong ikaw ay paslit pa.


Ito ay ilan lamang sa mga kahilingan na mahirap maging katotohanan dahil sa mga pelikula lamang natin nakikita o napapanuod ang mga ganitong klase ng karanasan. Ngunit aakalain mo bang magagawa pala ito ng isang lalaki matapos niyang i-edit ang kaniyang mga larawan noong siya ay bata pa at ngayong siya ay malaki na.




Talaga namang nakakamangha ang kaniyang kahusayan at aakalain mo talagang totoo ang mga larawang ito. Ang napakahusay na lalaking ito ay walang iba kung hindi ang photographer na si Conor Nickerson.

Pumasok sa kaniyang isipan na i-photoshop ang kaniyang mga lumang larawan na kuha pa mula noong taong 1997 hanggang 2005.



“While looking through some old family photos, I wondered what it would it look like if tried to photoshop myself today into them. I gathered all the old hats and t-shirts that I could find and did my best to put myself into childhood moments which, aside from these photos, remain only a distant memory,” pagbabahagi ni Conor.


Ayon sa kaniyang naging pahayag ay hindi naging madali para sa kaniya ang kaniyang ginawa dahil sa maraming mga bagay ang kailangang ikonsidera upang magmukhang totoo at kapani-paniwala ang mga inedit niyang larawan. Tunay nga na natuwa siya nang makita ang naging resulta at kinalabasan ng kaniyang pinaghirapan.



“It involved a lot of blurring, sharpening, and noise to try to get it to look like an older photo. Editing the pictures and looking at them so closely for so long takes a bit away from the shock value, but seeing the final images all together definitely is a bit strange! I feel like me and little me would have gotten along pretty alright,” pahayag niya.

Tila ba nakasama niya ang kaniyang sarili sa ngayon sa mga nakuhanang mga larawan na alaala ng kaniyang pagkabata.




error: Content is protected !!