TikTok dance entry ng mag-asawang Vic at Pauleen Luna-Sotto pinagkaguluhan ng maraming mga netizens!



Isa na marahil sa pinakasikat na celebrity couple ang mag-asawang Vic at Pauleen Luna-Sotto. Maliban kasi sa mahuhusay silang mga host at aktor ay marami ding mga Pilipino ang labis na humanga sa kanilang wagas na pagmamahalan.


Kung kaya naman nang ikasal ang dalawa ay marami ang labis na nagalak dahil sa wakas ay magkaroon na ng simula ang kanilang “forever”. Biniyaan na rin ang mag-asawa ng panganay nilang anak na si Baby Tali.




Talaga namang napakabibo niyang bata. Hindi maipagkakailang anak siya ni Bossing Vic at baby Poleng.

Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan ng maraming mga netizens ang TikTok dance entry ng mag-asawa kung saan makikita ang kanilang mga “dance moves”. Pumukaw sa atensyon ng publiko si Pauleen dahil sa napakagaling niyang pagsayaw at makikita mo talaga na kahit isa na siyang ganap na mommy ay naalagaan pa rin niya ang kaniyang pangangatawan.




Habang si bossing Vic naman ay halos kabisadong-kabisado ang sikat na millennial dance steps ng isang TikTok entry. Bagamat hindi kasing “confident” ni Pauleen ang naging performance ni bossing, pasadong-pasado pa rin ito sa marami niyang mga tagasuporta at tagahanga.


Dahil sa pandemyang nararanasan ng maraming mga bansa sa buong mundo sa ngayon ay nagkaroon ng mas nagkaroon tayo ng mas maraming panahon para makasama ang ating mga mahal sa buhay. Kung kaya naman kahit papaano ay nagkaroon pa rin naman ng positibong epekto sa atin ang mahirap na pagsubok na pinagdaraanan natin sa ngayon.




Si Marvic Valentin Castelo Sotto Sr. o mas nakilala ng publiko bilang si Vic Sotto ay 66 taong gulang na aktor, mang-aawit at batikang komedyante. Nagkaroon na siya ng ilang mga proyekto sa malalaking estasyon sa bansa, ang GMA, TV5, at ABS-CBN.

Isa rin siya sa pinakaunang naging host ng noontime variety show na “Eat Bulaga!”. Taong 2016 nang ikasal sila at nang sumunod na taon ay isinilang naman ang kanilang anak na si Baby Tali.





error: Content is protected !!