YouTuber na si Buknoy umani ng maraming batikos dahil sa hindi magandang komento nito patungkol sa mga tricycle driver!



Vlogging ang isa sa pinakapatok ngayon pagdating sa mga social media. Kadalasang tinatangkilik ng mga manunuod ang mga vlogs ng mga sikat na artista o di kaya naman ay mga sikat na personalidad.

Mayroon din namang ilang mga YouTubers na una nang nakilala sa larangan na ito at talagang dito na nga nagsimula ang kanilang katanyagan. Ngunit kamakailan lamang ay hindi nakaligtas sa publiko ang ginawa ng isang 16 na taong gulang na YouTuber na ito dahil sa tila pangmamaliit niya sa mga taong nagtatrabaho bilang tricycle driver.



Siya ay walang iba kung hindi ang YouTube vlogger na si Buknoy Glamurr o si Andrew Luis Lapid sa tunay na buhay. Sa isa sa pinakabago niyang vlog ngayon ay minaliit niya ang mga tricycle drivers na talaga namang inalmahan ng maraming mga netizens. Narito ang mga katagang kaniyang binitawan sa kaniyang vlog:


“Ang gusto ko talagang sabihin sa inyo is wag kayong sumuko na mangarap. Wag na wag kayong sumuko na tuparin ang mga pangarap ninyo kasi kung hindi kayo magsu-sumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating tulad nito,” pahayag ng batang YouTuber habang nagha-“hi” sa napadaan lamang na driver.


Napakaraming mga netizens ang talagang nagpahayag ng kanilang mga saloobin at nararamdaman dahil sa nangyaring ito. Karamihan sa kanila ay mga anak o di kaya naman ay kamag-anak ng ilang masisipag at matitiyagang mga tricycle driver na bagamat hindi nakapagtapos ng kolehiyo at nakahanap ng mataas na posisyon sa mga kilalang kompanya ay nagagawa pa ring magtrabaho ng husto para suportahan ang kanilang mga mahal sa buhay.



Tunay nga na nararapat lamang na maging maingat tayo sa mga salitang binibitiwan natin at sa mga bagay na ating ginagawa lalo na kung nais nating irespeto, mahalin at patuloy tayong hangaan ng mga tao. Mas mainam pa rin ang pagkakaroon ng mabuting kalooban kaysa ang anumang materyal na bagay o kahit panglabas na kaanyuan.




error: Content is protected !!