Andi Eigenmann, ibinahagi ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw niyang masanay sa mamahaling mga laruan ang kaniyang mga anak!



Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas nakilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann ay 30 taong gulang na aktres at modelo. Ang kaniyang mga magulang ay sina Jaclyn Jose at ang yumaong Mark Gil na kapwa mahuhusay na aktor sa larangan ng show business sa Pilipinas.



Labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at sa angkin niyang kagandahan. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw niyang masanay sa mga mamahaling mga laruan ang kaniyang mga anak.

Bilang isang artista na mula sa isang kilalang angkan ay kayang-kaya niyang ibili ng maraming mga mamahaling mga laruan ang kaniyang mga anak ngunit hindi niya ito ginagawa dahil sa batid niyang hindi nila ito kailangan. Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Andi ang masayang larawan ng kaniyang bunsong anak na si Lilo na nasa duyan habang relax na relax sa napakagandang beach sa kaniyang paligid.

Ayon sa aktres tinuturuan niya ang kaniyang mga anak na mahalin ang kalikasan at pahalagahan ang mga simpleng bagay. Dagdag pa niya ay nais niya talagang kaunti lamang talaga ang laruan ng kaniyang mga anak dahil ang maraming mga laruan ay maaaring maging dahilan pa ng “oversimulation” para sa kaniyang mga anak.



Dahil dito ay nakasanayan na ng kaniyang panganay na anak na si Ellie na maglaro sa pamamagitan lamang ng mga simpleng laruan at maging tunay na masaya sa kayang ibigay ng kalikasan lalo na at naninirahan sila ngayon sa isang napakagandang isla.


“We decided to bring out a couple of Ellie’s old wooden toys for her to play with. Something she is not at all used to because, on the island, Lilo has been used to playing with whatever nature supplies us with – an old buko or a bunch of twigs!” Pagbabahagi ni Andi sa kaniyang post.


“LOL being on quarantine and unable to go out shopping, it made it clearer how even less our children really need to be happy. I don’t believe in showering my kids with so many toys (especially at this age). Although I wasn’t always this type of parent. But when I switched to a more minimal lie, Ellie also decided to donate her toys to those in need. And I just love what kind of person it has helped her become,” Dagdag pa niya.




error: Content is protected !!