Isang sikat na vlogger nagpamigay ng iPads sa kaniyang mga kababayan para sa online class o negosyo!



Sa panahon natin ngayon na napakaraming mga pagsubok at paghihirap ang ating nararanasan, mapalad pa rin tayo dahil sa mayroon pa ring mga taong nagnanais na makatulong sa ating mga Pilipino. Katulad na lamang ng isang Syrian vlogger na ito na namigay ng mga “Apple iPad” para sa mga estudyante at sa mga online sellers.


Siya ay kilala ng marami niyang mga tagahanga at tagasubaybay bilang si “The Hungry Syrian” o si Basel Manadil sa tunay na buhay. Hindi ito ang unang beses na namahagi siya ng tulong sa maraming mga Pilipino.



Nang makaranas ang marami sa atin ng kalamidad at sakuna ay hindi rin siya nagdalawang-isip na tumulong sa abot ng kaniyang makakaya. Maging nang dumating ang pandemya sa ating bansa ay hindi pa rin siya tumigil na tumulong sa maraming mga nangangailangang tao.


At kamakailan nga lamang ay muli na naman siyang tumulong sa iba. Nagbahagi ng mga larawan si Basel sa kaniyang Facebook account kung saan kasama niya ang kaniyang mga alagang pusa na sina Maui Boy, Maki Boy at Milky Boy.


Ito ang kaniyang naging pahayag ni Basel sa kaniyang social media account na talaga namang nagdulot ng pag-asa sa maraming mga Pilipino.

“Good Morning Mga Tao Fam! First batch of GIVEAWAY from me and my cats Maui Boy, Maki Boy & Milky Boy : DaBoys Puspins (hindi sponsor po ito, beke nemen).” Pahayag ng Syrian vlogger.


“I thought of sharing some blessings for some of our Kababayans who need them for online schooling, work from home, pang-online business and more,” Dagdag pa niya.

Kailangan lamang na sundin ang mga mechanics ng kaniyang “giveaway promo”. Una na rito ang pag-follow sa kaniyang mga social media accounts tulad na lamang ng Instagram, Facebook at YouTube channel.




Matapos nito ay dapat din nilang i-share ang post na ito at sagutin ang katanungan kung anong kurso ang kinukuha kung estudyante at kung anong online business ang pinaplanong gawin sa mapapanalunang gadget.




error: Content is protected !!