Megastar Sharon Cuneta dinadalangin na maging president ng Pilipinas si VP Leni Robredo sa taong 2022!



Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 54 na taong gulang na aktres, singer, television host, at commercial endorser. Sa halos 40 taon niya sa industriya ng show business sa bansa ay binansagan na siyang Megastar dahil sa ningning ng kaniyang bituin mula noon hanggang sa ngayon. Sa katunayan ay mayroon na siyang nagawang halos 59 na mga pelikula, 10 mga TV show, at halos 40 mga album na rin ang kaniyang nai-record.



Maliban pa sa mga ito ay marami din siyang natanggap na mga parangal hindi lamang sa pambihirang husay niya sa pag-awit ngunit maging sa kaniyang magaling na pag-arte. Siya ay kasal kay Sen. Kiko Pangilinan at mayroong apat na mga anak sina KC Concepcion, Frankie Pangilinan, Miel Pangilinan, Miguel Pangilinan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya sa social media dahil sa kaniyang naging pahayag sa isa sa kaniyang mga vlogs. Ayon sa batikang singer, umaasa siyang tatakbo si VP Leni Robredo sa darating na eleksyon sa taong 2022 at sana ay manalo siya bilang president ng ating bansa.



“Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagkadisente ng karamihan sa atin,” Pahayag ni Sharon sa kaniyang vlog na umabot ng halos 45 minuto.

Ibinahagi din niyang nais niya talagang manalo noong nakaraang eleksyon ng pagka-presidente si Sen. Grace Poe ngunit hindi niya ito magawang ikampanya dahil ang kaniyang mister ay nasa partido pa ng administrasyon. Ayon pa sa kaniya, kinampanya niya talaga noon si VP Leni Robredo bilang bise-presidente dahil sa batid niyang matapat, disente at hindi ito korap at ang kaniyang yumaong mister na si Sec. Jesse Robredo.


“I don’t know what’s happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay (Duterte) next time. One term lang, ‘di ba? Nakakatakot na kasi… Ngayon lang ako naka-experience ng ganito,” Dagdag pang pahayag ni Sharon.






error: Content is protected !!