Naaalala niyo pa ba si Spanky Rigor ng VST & Company? Ito na pala ang buhay niya matapos niyang talikuran ang show business!



Sadyang nakakaakit ang ningning ng pagiging isang sikat na artista. Sa panahon natin ngayon, ang mga sikat na personalidad ay talaga namang labis na hinahangaan ng marami at nagsisilbi ding napakagandang inspirasyon sa publiko.



Ngunit sa kabila pala ng tagumpay at kasikatan ay mayroon pa ring iilan na magnanais talikuran ang lahat ng ito para sa isang simpleng pamumuhay. Tulad na lamang ni Spanky Rigor na isa sa mga miyembro ng sikat na grupong VST & Company noong 1970’s.


Sikat na sikat ang grupong ito dahil sa kanilang iconic song na “Awitin Mo at Isasayaw Ko”. Ilan sa mga miyembro nito ay ang magkakapatid na sina Val, Vic at Vicente Sotto.

Kasama din nila si Joey de Leon na gumagawa ng kanta at si Spanky Rigor. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang dokumentaryo ng “investigative journalist” na si Albert Samaha na pamangkin ni Spanky.


Laki sa isang simple ngunit masayang pamilya ang dating sikat na mang-aawit na ito. Sa murang edad ay kinailangan niyang maghanap-buhay upang kahit papaano ay kumita ng pera para sa kaniyang sarili at pamilya.



Nagkaroon siya ng isang napakagandang oportunidad nang makilala niya sina Vic kung saan napansin nila ang pambihirang husay ni Spanky at inalok siyang maging bahagi ng kanilang binubuong grupo. Talaga namang naranasan niya ang maging isang tanyag na personalidad na tinitilian ng maraming mga kababaihan at hinangaan ng maraming mga tao.

Ngunit dumating sa punto ng kaniyang buhay na nagdesisyon siyang talikuran ang industriya ng show business at mamuhay na lamang ng simple at tahimik sa dayuhang bansa. Kasama niya ang kaniyang ina, asawa, at mga anak sa Amerika.



Dito ay talaga namang namangha siya sa angking kagandahan at kalinisan ng lugar. Ninais niyang manirahan dito mula noon.

Ngunit hindi niya akalaing magiging mahirap pala ang kaniyang karanasan dahil sa wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang magtrabaho bilang isang “baggage handler”. Hindi naging madali ang lahat para sa kaniya dahil mula sa labis na karangyaan at kasikatan ay nauwi lamang siya sa mahirap na trabahong ito.

Ngunit sa halip na panghinaan siya ng kalooban ay mas naging hamon at aral pa ito sa kaniya kung kaya naman mas nagpursige siya sa buhay. Hindi niya alintana ang hirap at pagod sa kaniyang bagong trabaho dahil sa batid niyang desente ito at dahil dito ay kumikita siya ng pera na pangsuporta sa kaniyang pamilya.

Hanggang sa ngayon ay masayang-masaya pa rin siya sa buhay sa Amerika kasama ang kaniyang buong pamilya at sinabi din niyang hindi siya nagsisising pinagpalit niya ang kaniyang kasikatan noon para sa buhay niya ngayon.




error: Content is protected !!