Dating taga-urong sa palengke na Php30 lang ang kita sa isang araw, Php1.5 milyong piso na ang kita ngayon isang buwan sa pagiging gamer!



Nagpapagawa na siya ngayon ng isang magara at malaking mansyon para sa kaniyang pamilya na halos ilang milyon rin ang halaga. Naging viral pa nga sa social media ang napakagandang disenyo ng kaniyang ipinapagawang mansyon.



Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko ay halos walang makain noon si Edgar Dumali o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si ChooxTV. Nasa Php30 lamang kada araw ang kaniyang kinikita mula sa trabaho niya sa palengke bilang tagahugas.


“Palipat-lipat kami ng tinitirahan noon dahil si Papa iba-ibang trabaho ‘yung pinapasok. May panahon na kamote na lang kinakain namin. Tapos ‘yon, naglayas ako dahil gusto ko lang mag-aral. Pinag-aral ako ni Papa noon, kaso nawili ako sa online games. Pero kailangan kong kumita,” Pahayag ni Edgar nang kapanayamin siya ng sikat na magazine show ng GMA network na “Kapuso Mo, Jessica Soho”.


Habang malayo siya sa kaniyang pamilya noon ay marami na siyang pinasok na mga trabaho upang kumita ng kaunting pera na pangsuporta sa kaniyang sarili. Isa na nga sa mga trabahong ito ay ang pagiging taga-urong ng pinggan noon sa palengke kung saan kumikita siya ng Php30 lamang sa loob ng isang araw.


Naranasan din niyang magtrabaho sa isang panaderya kung saan talagang naranasan niya ang pinakamahirap na yugto ng kaniyang buhay.

“Namasukan din ako sa panaderya. Ang pangit doon, pinapatulog kami sa tabi ng mga baboy. Napapaluha ako kapag naaalala ko ‘yung mga pinagdaanan ko,” pahayag niya.



Sa kabila ng mga pagsubok na ito ay naging matagumpay naman na siya sa ngayon. Noong una ay hindi sang-ayon ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang paglalaro dahil sa palagay nila ay walang mararating sa buhay ang mga “gamer”.


Ngunit hindi pa rin sumuko si Edgar dahil nais niyang patunayan sa kanilang mayroon talagang pera sa kaniyang ginagawa. Bilang isang gamer ay nakagawa siya ng ilang mga diskarte at pamamaraan upang tangkilikin ng marami ang kaniyang ginagawa.

Mula sa pagiging gamer ay isa na rin siyang vlogger at livestreamer kung saan umaabot ang kaniyang kita ng halos Php1.5 milyong piso sa loob lamang ng isang buwan.

“Ngayon, umaabot ng 1.5 million buwan-buwan sa YouTube at pag-stream ‘yung kinikita ko! Nakapagpatayo na rin ako ng bahay para sa pamilya ko! Hindi natin alam, sa buhay, minsan nasa baba tayo. Minsan nasa taas tayo,” dagdag pa niya.






error: Content is protected !!