DTI hinihikayat ang publikong tangkilikin ang mga maliliit na negosyo sa bansa!



Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay hinihikayat ang mga Pilipinong mamimili na suportahan ang mga maliliit na negosyo dahil sa ang ating ekonomiya sa ngayon ay humaharap sa napakahirap na sitwasyon dahil sa pandemyang COVID-19.



Sa gitna ng mahirap na sitwasyong kinakaharap ng maraming mga Pilipino sa ngayon ay isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Buy Local, Go Local” na kampanya para sa mga maliit na negosyante sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ang kanilang pangangampanya para sa “Buy Local, Go Lokal” ay naglalayong matulungan ang mga negosyong labis na naapektuhan ng COVID-19.


“Tayo po ay dito muna sa ating bayan mag-shop local, eat local, and travel local,” pahayag niya sa isang virtual press briefing.

Dagdag pa niya sa pamamagitan ng pamamaraan na ito ay mas malaki ang posibilidad na muling maging maayos ang ating ekonomiya. Hindi lamang ito makakatulong para sa mga produktong gawang Pinoy ngunit magiging daan din upang magkaroon ng trabaho ang ilan nating mga kababayan na halos ilang buwan ding nawalan ng mapagkakakitaan.


“Tangkilikin natin ang locally produced products. As we patronize our locally-produced products, ang nabubuhay po diyan ay ‘yung mga local companies na may local employment. In other words, pag bumili sila ng local ang nake-create na trabaho ay para sa ating mga kababayan,” pahayag muli ni Sec. Lopez.


Dahil din aniya sa sitwasyon ng ating ekonomiya sa ngayon ay kinakailangan ng marami sa atin na bumili ng mga produkto at serbisyo upang makabangon ang mga naapektuhang maliliit na negosyo.



Dahil sa kinakaharap nating mahirap na sitwasyon ngayon ay talaga namang lumobo ang porsiyento ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho nitong Abril 2020 sa halos 17.7 percent! Halos nasa 7.3 milyong Pilipino ang walang trabaho ayon na rin sa kumpirmasyon ng National Statistician na si Claire Dennis Mapa.




error: Content is protected !!