Foreigner, ilang beses nang naloko ng ilang Pinoy ngunit patuloy pa ring nagsumikap sa buhay!



Makailang beses na siyang niloko ng ilang mga Pilipino na nagsamantalan sa kaniyang pagiging inosentenat mapagbigay niya. Ngunit hindi nagpagapi ang dayuhang ito mula sa Davao Oriental sa mga hamon ng buhay sa ating bansa na napamahal na rin sa kaniya.

Siya ay walang iba kung hindi si Anselm, 28 taong gulang mula sa Wales, United Kingdom. Nakapangasawa siya ng isang Pilipina na taga-Davao City.

Noong taong 2016 pa siya dumating at nanirahan sa bansa. Tulad na lamang ng iba pang mga dayuhang nakakita sa angking ganda ng Pilipinas ay talaga namang nahulog na rin ang kaniyang kalooban sa bansang hindi naman niya talaga kinalakihan.


Nagustuhan niya ang kultura, kapaligiran at halos lahat ng bagay tungkol sa ating bayan. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kaniyang kabaitan pala ay maaari ding pagsamantalahan ng ibang tao.

Dahil sa nais na niyang dito manirahan sa bansa ay napagdesisyunan niyang magtayo ng sarili niyang negosyo para sa kaniyang pamilya. Kung kaya naman bumili ang mag-asawa ng isang palaisdaan sa Cateel, Davao Oriental na halos apat na oras ang layo sa kanilang tahanan sa Davao City.

Upang maging matagumpay ang kaniyang negosyo ay talagang pinag-aralan niya ang mga bagay na dapat niyang matutunan patungkol sa pangingisdaan at nag-aral din siya ng Bisaya upang mas magkaunawaan sila ng mga tao roon. Nakakalungkot lamang dahil sa niloko siya ng ilan sa kaniyang mga trabahador na Pinoy, ilang mga mamimili at naranasan din niyang masiraan ng sasakyan noong dapat sana ay magdedeliver siya ng mga isda.

Ngunit ang pinakamahirap dito ay ang pananalanta ng COVID-19 sa Pilipinas na naging dahilan upang malugi ang maraming mga negosyo. Ngunit sa kabila nito ay sumubok pa rin siyang mag-alaga ng mga alimango na kalaunan ay nalugi rin.

Naabutan na rin siya ng “lockdown” sa kanilang palaisdaan kung kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang manirahan sa isang sira-sirang bahay na mayroong hindi maayos na palikuran. Halos tatlong buwan din niya tiniis ang sitwasyon na ito na malayo sa kaniyang asawa.

Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-aalaga pala niya ng bangus ang magbibigay sa kaniya ng katagumpayan.


Similar Articles

Comments

LATEST POST